Chapter 28

25K 560 88
                                    

FIRST TIME KONG MAG UPDATE GAMIT ANG IPAD. PAGPASENSYAHAN NYO NA KUNG MAY MGA TYPO. 😊

#PrayForSouthKorea

Chapter 28

(ALTHEA KIM POV)

Patuloy parin na humahalakhak si Yeol. Walang tigil yun mula kanina. Tss! Nakakainis sya! Pinagtripan nya ko!! Nakakahiya tuloy yung sinabi ko! Grrr!

"Tumigil ka na nga Yeol! Nakakainis ka!" pero di nya ko pinansin. Patuloy parin sya sa pagtawa nya. Take note, nakahawak pa sya sa tyan nya habang tumatawa.

"Bahala ka na nga! Aalis na ko!" lumakad ako papuntang pinto at akmang bubuksan ko na yun nang hawakan nya yung braso ko.

"Sorry na Althea!! eh nakakatawa lang kasi yung mukha mo kanina. pfft" tinignan ko sya. Mukhang pinipigilan nya yung tawa nya. Nakakagat sya sa labi nya.

"Bitawan mo nga ko Yeol. Uuwi na ko! Di tayo bati!" sabi ko at pilit na inaalis yung kamay nya sa braso ko. Pero nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.

"Sorry na. I didn't mean to do that." may halong sincerity ang boses nya. Wala na rin akong nagawa kundi yakapin sya pabalik. Alam ko namang di ko sya matitiis eh.

"Oo na sige na. Apology accepted. Basta wag mo na uulitin yun huh?"

"Yes boss!" hinigpitan nya yung yakap sakin.

"Althea mamaya ka na umuwi please? Dito ka muna." aniya pagkakalas sa yakap.

"Baka pagalitan ako ni Mom eh. Hanggang 9 lang ang curfew ko."

"Don't worry. Ako nalang ang bahalang magexplain kay auntie. Sige na please... Althea?" tumingin ako sakanya and he's giving me a puppy dog eyes.

"sige na nga! Alam mo namang hindi ako makakahindi sa mga matang yan." ngumiti sya at niyakap ulit ako. Pagkatapos nya akong yakapin ay hinila nya ako paupo dun sa kama nila.

"Althea naalala mo pa ba dati? Yung nagtext ako sayo in hangul form?" (Chapter 4) Napaisip ako sinabi nya. Yung text nya sakin na naka hangul? Hmmm... AH! Naalala ko na! Dali dali kong kinuha yung phone ko at hinanap yung text nyang iyon. Hindi ko binubura yung mga text ni Yeol sakin. Yung mga hindi importante lang yung binubura ko. Nang mahanap ko na ay pinakita ko sakanya.

"Eto ba yun Yeol?"

[ " 난 당신과 사랑에 당신을 처음봤을 때 하락 " ] kinuha nya yung phone ko. Tumingin sya sakin at ngumiti

"Oo. Ito nga yun. Di mo pa pala binubura?"

"Hindi pa! Hehe. Ano nga bang ibig sabihin nyan? Kahit half korean ako ay hindi ko maintindihan ang ibig sabihin nyan."

"Ang ibig sabihin nyan ay..." lumapit pa sya sakin at ibinulong yung ibig sabihin nun

"I love you the first time I saw you..."

Umayos na sya ng upo at tumingin sakin syaka ngumiti. Yun yung ibig sabihin nun???

"You mean? Dati palang pala ay gusto mo na ko?" tumango sya

"Yes. Sinabi ko na naman sayo yun dati sa may lake diba?" OMG! Pakiramdam ko ang swerte swerte ko kasi biro mo, nagkakagusto sakin yung isa sa mga kinababaliwan ng halos lahat ng babae sa mundo. Hindi ko mapigilang ngumiti. Tumingin ako sakanya at niyakap sya ng mahigpit.

"I love you Yeol." naramdaman ko ang pag ngiti nya dahil sa sinabi ko.

"I love you too Althea." aniya. Kumalas sya sa yakap at dahan dahang inilapit yung mukha nya sakin until our lips met.



Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon