Chapter 42

18.1K 465 86
                                    

Chapter 42

(ALTHEA KIM POV)

Katatapos lang namin magcelebrate ng new year last week. Saturday ngayon at sa monday ay may pasok na kami ni Maine. Kaming dalawa lang yung tao ngayon ni Maine dito sa bahay. Wala sila Mom at Dad, meron kasi silang pinuntahan na reunion party. 

"Bess, ang boring naman dito sa bahay! Ano bang magandang gawin?" tamad na tamad na sabi ni Maine. Nandito kami ngayon sa living room at nanunuod lang ng TV. Palipat lipat ng channel. Wala kasing magandang panuorin. Si Yeol naman, kasama nya yung ibang members ngayon. Nasa SM Building yata sila?

"Ewan ko Maine! Kahit ako nga rin nabobore eh!" sabi ko sakanya habang nililipat lipat yung channel ng TV. Natigil nalang ako sa paglilipat dahil biglang nagring yung phone ko. Kinuha ko yun mula sa lamesa at tinignan kung sino ba yung tumatawag.

"Huh? Unknown Number? Sino naman kaya 'to?" pinindot ko yung answer button at sinagot yung tawag.

"Hello? Althea Kim speaking. Who's this?"

"A-Althea... C-can we talk?" sagot nung kabilang linya. Babae yung boses. Sino naman kaya yun?

"Uhmm. May I know who's this?"

"Ohh... Sorry sorry... Si Ally to!" kusang lumaki yung dalawang mata ko ng sabihin nya sakin yung pangalan nya.

"A-Ally?" napalingon sakin si Maine at lumapit. Itinapat nya yung tenga nya sa phone ko para marinig yung paguusap namin.

"Ako nga! Pwede ba tayong magusap?" 

"Magusap? Tungkol saan naman yung paguusapan natin?" 

"Basta! Mamaya ko nalang sasabihin. Althea please? I really need to talk to you." parang nagmamakaawa yung boses nya. Should I talk to her? Or not? Bahala na nga! Wala namang mawawala kung makikipagusap ako sakanya, hindi ba?

"Uhhh.. S-Sige. Saan ba?"

"I-tetext ko nalang sayo yung lugar. Thank you Althea. See you later then?"

"Yeah.. See you!" pagkatapos nun ay pinatay na nya yung tawag. Napabuntong hininga ako. Tungkol saan naman kaya yung paguusapan namin?

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon