Chapter 54

13.5K 397 34
                                    

Chapter 54

(ALTHEA KIM POV)

Nandito ako ngayon sa coffee shop. Tinawagan kasi ako kanina ni Jinho at gusto nyang makipagkita sakin. Ewan ko ba sa mokong na yun. Meron daw syang sasabihing mahalaga sakin. Psh! Ang drama nya ngayon.

10 minutes na akong nandito sa coffee shop pero hindi parin sya dumadating. Ang lakas rin ng trip nya eh no? Sasabihin nya saking wag daw ako ma-late pero sya rin naman pala itong malelate. Ang lakas talaga ng tama!

"Althea!" lumingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Jinho na hingal na hingal sa may harapan ko. Nakahawak yung dalawang kamay nya sa tuhod nya at naghahabol ng hininga.

"Sorry nalate ako!" sabi nya at umupo sa kaharap kong upuan.

"Bakit ba nalate ka? Alam mo bang 10 minutes akong nag antay dito? Hindi ka naman dati ganyan ah!" sabi ko sakanya na kunwaring nagtatampo.

"Sorry na! May humabol kasi saking mga babae kanina! Tumakbo pa ako para matakasan sila. Alam mo namang, kasama sa SM ROOKIE itong bestfriend mong gwapo!" kinindatan nya ako at binigyan ng nakakalokong ngiti.

Umirap ako. "Gwapo? Hoo~ Ang hangin yata dito!"

Tumawa sya. "Wag ka nang umangal. Matagal ko nang alam na gwapo ako." Umirap nalang ulit ako at uminom sa Frappe na inorder ko.

"Ako din, painom!" Nagulat ako ng bigla bigla nalang nyang kinuha yung frappe ko at ininom iyon ng staight. Hindi man lang ako tiniran.

"Ang daya! Bakit mo inubos? Nakakainis ka naman eh!" nagpout ako.

"Hehe. Uhaw na uhaw kaya ako! Ikaw kaya tong tumakbo ng pagkabilis bilis!"

"Palitan mo yan!" sabi ko. Tumango naman sya at pumunta ng counter para magorder ulit ng frappe.

Bagbalik nya ay may dala dala na syang dalawang cup ng frappe at syaka donuts. Umupo ulit sya sa harapan ko at binigay sakin yung frappe.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon