Chapter 20

28.5K 611 60
                                    

at dahil #10 sa Fan Fiction yung DPC at #74 naman sa Humor, update ulit. hehe. thanks sa pag support ng story na'to! :))

Chapter 20

 

(ALTHEA KIM POV)

Pagkapalit ni Yeol ng damit ay umalis na rin sila. Bigla kasing tumawag yung manager nila. Kailangan daw nila pumunta ng SM Building dahil may mahalagang sasabihin daw. Kaya kaming dalawa nalang ni Maine dito sa bahay. Si Dad as usuall, nagwowork sa company namin. Si Mom naman ay binisita daw yung kaibigan nya sa Gangnam at mamayang gabi pa ang uwi.

"Hayy! Ano ba yan! Bumoring tuloy dito sa bahay! Bakit kasi bigla pang tumawag yung manager ng exo?" nakasimangot na sabi ni Maine

 

"Ano ka ba Maine? Can't you see? Mga sikat sila! Natural lang na oras oras ay may ginagawa sila. They're busy persons. Kaya wag ka nang mag taka kung makakasama mo sila ngayon pero maya maya ay aalis din."

 

"Tssk. Sabagay! May point ka dyan! Ano namang gagawin natin ngayon? Ang boring boring dito! Nakakabagot!" 

 

"Hmmm. Kung mag mall kaya tayo? What do you think? Nuod tayong sine!" 

"Mukhang magandang ideya yan kaya lang baka kuyugin tayo ng mga tao!" napaisip ako sa sinabi nya. Oo nga! Ako nga pala si Althea Kim. Yung dinedate ni Park Chanyeol. For sure kalahati ng tao sa mundo ay kilala na ako. Pinakilala na nga ako ni Yeol diba? Ano ba yan! Hindi ko na magawa yung mga nagagawa ko dati! Dati malaya ako kahit saan ko gusto mag punta pero ngayon hindi na kasi kahit saan na ako magpunta ngayon, may nakakakilala sakin. Ang hirap din pala kapay may dinedate kang sikat.

Wag kang magreklamo Althea! Ikaw ang nagdesisyon nyan! Pumayag kang makipag date kay Chanyeol! Kaya harapin mo yung mga circumstances! 

Pati yung second voice sa ulo ko pinapagalitan na ko! Bakit kasi pumayag pa ako na makipagdate kay Yeol? Kahit fake lang yun! Iyan tuloy, kalayaan ko ang kapalit.

 

"*sigh* Oo nga eh! Baka pagkaguluhan ulit tayo. Dito nalang tayo manuod ng movie. Meron akong mga bala na koreans dyan!"

 

"Oh talaga? Anong bala naman bess?"

 

"Hmmm. Ano nga ba yung mga bala ko dyan? AH! Yung Princess Hours! Meron kami nun!"

 

"OMG! Talaga? WAHH! Panuorin natin dali! Miss ko na rin manuod nun! Si Prince Gian my labs!!" tuwang tuwa si Maine. Tss!

"Osige. wait lang, kukunin ko lang sa taas!" tapos ay pumunta na ako sa isang room kung saan nakalagay lahat ng DVDs namin at hinanap yung Princess Hours. Pagkahanap ko ay bumalik na ko ng living room. Nakita ko si Maine na sineset na yung TV.

"Oh eto na!" binigay ko sakanya yung bala.

"Teka, tagalog ba yan bess? O korean?"

 

"Korean malamang! Walang tagalog na tinitinda dito sa Korea! Tch!" 

 

"Aww sayang naman! Pero pwede na yan! Lagyan nalang natin ng english subs!" aniya. Tumango nalang ako. Pagkatapos nya i-setup yung TV ay inilagay na nya yung bala. Nilagyan ko ng eng sub at sabay kaming nanuod ni Maine. Wala pa kami sa kalahati ng episode 1 ay kilig na kilig na sya! Tch!

"OMO! Ang cute cute talaga nila bessy! Sana magkatuluan sila sa totoong buhay!" ani Maine habang kumakain ng popcorn. FYI, pinagluto nya pa ako ng popcorn kanina. Asar lang. Pinagpatuloy na lang namin ni Maine yung panunuod. Habang nanunuod kami, bigla syang nagsalita,

"Althea, pansin ko lang, parang yung story ni Prince Gian at Princess Janelle, parang katulad rin ng sainyo ni Chanyeol oppa. Ang pinagkaiba lang, sakanila parang arrange marriage , sainyo nman ni oppa, fake relationship. Tapos parehas pang sikat si Prince Gian at si Chanyeol oppa tapos kayo naman ni Janelle ay simpleng tao lang. Pansin mo yun?" tumingin ako sakanya. Oo nga 'no? Parang ganun din ang story namin ni Yeol. Ang pinagkaiba lang ay si Prince Gian ay isang crown prince tapos si Yeol naman ay isang singer. Hmmm. Tumango nalang ako kay Maine at pinagpatuloy yung panunuod namin nung sumakit na yung mga mata namin ay tinigil na namin yung panunuod. Gabi narin ng dumating si Dad at si Mom kaya kumain nalang kami ng dinner at saka natulog na.

**

[1 WEEK LATER] 

"Bessy Althea! Hindi ba talaga ako pwede sumama don sa shooting ng MV nila Chanyeol oppa at Hojung?" kanina pa ako kinukulit ni Maine. Gusto nya daw kasi sumama don sa shooting ng MV.

"Hindi nga pwede Maine! Dito ka nalang sa bahay. Oh kung gusto mo, tawagan mo nalang si Dyo. Wala ata silang ginagawa ngayon."

"Talaga? Osige. Tatawagan ko nalang si Dyo oppar." aniya at umalis na. Pagkatapos ko magayos ng sarili ko ay narinig ko na ang busina sa labas. Iyan na siguro sila Yeol. Bumaba ako at nagpaalam kila Mom na aalis ako. Pumayag naman sila. Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko si Yeol na nagaabang sakin sa gilid ng kotse nila.

"Hii!" bati nya sakin kaya binati ko rin sya pabalik. Pinagbuksan nya ko ng pinto ng sasakyan. Pumasok na ko sa loob, sumunod naman sya sakin. Apat lang kaming nasa loob. Yung driver nila, yung manager ng exo na nakaupo sa passenger seat at kaming dalawa ni Yeol na nasa likod.

"Hi there Althea!" bati sakin ng manger nila. Tumango ako sakanya at ngumiti.

"Alam mo na yung gagawin mo mamaya?"  tanong nya. Tumango ako. Kailangan kong maging supportive girlfriend kay Yeol kaya dapat nandun ako. Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit kailangang kasama pa ko? Oo naiintindihan kong kailangan kong gawin ang role ko bilang supportive girlfriend ni Yeol pero bakit hanggang dito kasama pa ko? Pwede namang si Yeol nalang diba? Syaka wala naman akong part doon sa MV na ishoshoot nila. Nang makarating kami sa lugar kung saan unang magshoshoot ay bumaba na kami. Para syang isang bahay. Maganda naman. Pumasok kami sa loob at nakita ko ang mga staffs, camera man sa loob. Umakyat kami sa taas at nakita ko yung si Lee Ho Jung na makakasama ni Yeol sa MV. Ang ganda nya pala sa personal. Pinakilala ng hula ko ay Director na magdidirect sa MV si Yeol kay Hojung. Nagkamayan sila at ipinakilala din ako ni Yeol kay Hojung.

"Hey Althea! Nice to meet you!" Ngumiti sya at niyakap nya ako. Pero para bang feeling ko pinaplastik nya lang ako. Kasi yung tingin nya sakin, may iba. Para bang ayaw nya sakin. Tssk. Guni guni ko lang siguro 'yon. Nagpalit na si Yeol ng damit at nagsimula na sila mag shoot. Yung unang part ay yung parang nageemote si Yeol. Ang galing nya pala umarte.! Nagpatuloy yung shooting pero nang dumating sa part na ni-back hug ni Hojung si Yeol ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa dibdib ko. Para bang kumirot na ewan. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin non. Pero isa lang ang alam ko sa ngayon, hindi ko kaya ang mga nakikita ko. Nasasaktan ako. I know I shouldn't feel this way but damn! It hurt so bad. Para bang tinutusok ng isang milyong karayom yung puso ko.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon