Chapter 2

55.5K 1.3K 780
                                    

Chapter 2

(ALTHEA KIM POV)

"WAHHHH! Bessy!! I wanna die! I wanna die!! Fan ako ng exo pero bakit hindi ko nalaman yun!! WAHHH. Althea, bigtihin mo na ko pleasee!" paulit ulit na sinasabi nitong si Maine. Kanina pa sya ganyan! Kairita na nga eh. Pano ba naman kasi, magcoconcert pala dito sa pinas yung EXO. At ang rinig namin ni Maine sa balita, nandito na daw sa pinas yung exo. nang hindi manlang nalalaman ni Maine. Kaya ayan tuloy nagmamaktol. Hindi daw sya updated sa EXO. Magbibigti na daw sya. OA masyado eh.

"Bessy 'pano na yan? Hindi man lang ako nakabili ng ticket para sa concert. Gusto ko sila makita." sabi nya sakin habang pinupunasan ng tissue yung sipong tumutulo. Eeeewww. Umiiyak na sya ngayon.

"Yaan mo na Maine. 1 month naman sila mag stay dito. Malay mo makita mo sila sa tabi tabi diba? hahaha." pabiro kong sabi sakanya. Ayon kasi sa balita na napanuod namin, mag stay daw dito yung exo for 1 month. 

"Eh pano pag hindi? WAHH. Magbibigti talaga ako pag hindi ko sila nakita. Pano na si Kyungsoo ko? Si Suho? Si Chanyeol? Si Luhan? Si Baekhyun? SILANG LAHAT? WAHHH." iyak parin nya. Speaking of Chanyeol. Naalala nyo pa nung nanakawan ako ng cellphone at nabasa ng ulan at yung nagpayong sakin na Park Chanyeol ang pangalan? Eto kasi ang nangyari nun.....

[FLASHBACK]

"It's ok. By the way, I'm Park Chanyeol."

"wait.. P...Park Chanyeol? parang... parang familiar yung name mo." sabi ko habang tinititigan sya. San ko nga ba ulit narinig yun? *think* *think* *think*

"AHHH! NAALALA KO NA!" pasigaw na sabi ko. tumingin ulit ako sakanya

"D.. dont tell me.. ikaw yun? Yung.. Yung Park Chanyeol na member ng exo?" sabi ko sakanya. Pero imbis na sagutin nya ako ay nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Lumapit pa sya sakin at nung totallyng magkaharap na kami ay dahan dahan nyang nilagay yung kanang kamay nya sa batok ko at yung hintuturo naman nya sa kaliwang kamay nya ay nilagay nya sa mga labi ko sabay sabing...

"Sshhh. Wag kang maingay. May nakatingin satin."

((A/N: Isipin nyo nalang na nagkokorean sila Chanyeol dyan at nagkakaintindihan sila!! HAHA. Tamad ako mag translate. pasensya! XD))

Titingin sana ako sa gilid ko pero hindi ko maigalaw yung ulo ko kasi nga diba hawak nya yung batok ko isama mo pa na ang lapit ng mukha nya sakin. Ramdam ko ang paghinga nya kahit malakas ang ulan. Sandaling nagkatitigan kami pero iniwas ko agad yung tingin ko.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon