Chapter 46

15.4K 436 72
                                    

starting from now, every saturday na po yung update. pasukan na kasi namin sa monday. huhu how sad :-( :-( :-(

Chapter 46

(ALTHEA KIM POV)

It's been a month simula nung umalis sila Yeol para sa world tour nila. Nasa singapore sila ngayon. Tumatawag naman sya sakin everytime pero syempre may time din na nakakaligtaan nyang tumawag dahil sobrang busy at dahil din sa pagod. I understand him. He's an idol kaya natural lang na mangyayari yung mga ganung bagay. 

Katulad ngayon, kanina ko pa hinihintay yung tawag nya sakin pero hanggang ngayon ay wala pa kong natatanggap kahit isang text. Nahihiya naman akong ako yung una tumawag kasi baka maka istorbo lang ako. Natatakot ako kasi baka hindi kami mag work. Mahirap yung LDR. Pero pinanghahawakan ko yung pangako nya na kahit ano mang mangyari magwowork yung relationship namin.

"Oh, bakit naka busangot yang mukha mo?" tanong ni Ally. Siya yung kasama ko ngayon. Wala si Maine dahil meron syang pinuntahan ngayon. 

"Eh kasi kanina ko pa hinihintay yung tawag ni Yeol pero hanggang ngayon wala pa." sumimangot ako. Umayos sya ng upo at humarap sakin

"Hayaan mo na! Baka busy lang si Yeol." Aniya

"*sigh* pero namimiss ko na sya!" sabi ko sabay tingin ulit sa phone ko

"Hayyy! Yan ang hirap kapag may dinedate kang isang sikat eh! Konti lang yung oras na naibibigay nila sayo. Buti nung naging kami ni Yeol ay hindi pa sya sikat, kaya lagi syang merong time para sakin. " hindi nalang ako umimik sa sinabi nya

"At alam mo ba Althea dati hindi nagtext sakin si Yeol ng isang buong araw. Ni tawag nga wala eh. Kaya nagtampo ako sakanya nun, tapos pala kaya hindi sya nagtetext o tumatawag sakin ay dahil meron pala syang surprise sakin. Grabe hindi ko makalimutan yung araw na yun. Sobrang saya ko nun! Ang sarap balikan yung masasayang araw na yon." patuloy nya. Ewan ko ba pero parang may halong pangiingit yung boses nya.

"Ah haha.. Wait lang Ally ah? Tatawagan ko na si Yeol." sabi ko sabay tayo

"Okay.." sagot nya kaya naman pumunta ako sa may garden ng bahay namin. Nainis ako sa sinabi ni Ally na yun. Para bang pinapahiwatig nya na mas maswerte sya nung naging sila ni Yeol dahil buo yung time na nabibigay sakanya samantalang sakin ay hati dahil sa career nya. Mukhang mali yung naging desisyon ko na pumayag na maging kaibigan sya. At mukhang tama rin yung sinabi ni Yeol sakin dati na baka kinaibigan lang ako ni Ally dahil sakanya. Para mapaghiwalay kami. Para makuha nya ulit si Yeol. Pero syempre hindi ko hahayaan na mangyari man yun.

Habang pinagmamasdan ko yung buong garden ay biglang nagring yung phone ko. Kumalabog yung puso ko ng makita yung pangalan ni Yeol sa caller's ID. Dali dali ko iyong sinagot.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon