Chapter 11 part 2

32.8K 720 268
                                    

Chapter 11 part 2 

(ALTHEA KIM POV)

Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili ko ay bumaba na ako para hintayin sila Yeol. Simple lang ang isinuot ko ngayon. Crop top and a skater skirt tapos isinuot ko rin yung Keds na ibinili sakin ni Mommy last month. Kinuha ko yung cellphone ko sa purse na dala dala ko at tinignan kung may message ba si Yeol. At meron nga.

"On our way na kami dyan sa inyo Althea :)" yan ang nakalagay sa text nya. Dali dali akong nag-reply.

"Ah sige. Naka ready na ko. Hintayin ko nalang kayo." pagka send ko ng message na iyon ay narinig ko na ang busina ng sasakyan sa labas. Ayan na siguro sila. Lumabas ako at nadatnan ko si Yeol sa labas ng bahay namin. He's wearing a tuxedo at isa lang ang masasabi ko doon. Ang gwapo nya sa suot nyang tux. OMG Althea! Ano bang sinasabi mo? Erase! Erase!

Tumingin ulit ako sakanya ng diretso at saka sya nginitian. Nginitian rin naman nya ako pabalik.

"You look good tonight Althea." aniya na nagpakalabog sa puso ko.

"Ah.. ano.. t-thank you." I look down para narin itago yung pulang pula kong pisngi. Gosh! Why am I feeling this way? Feeling ko sasabog na yung buong sistema ko dahil sa sinabi nyang iyon.

"Hahaha. It's my pleasure. Ano, tara na? Naghihintay na sila sa loob ng sasakyan." tumango nalang ako at sinundan sya patungo sa sasakyan nila. Pinagbuksan nya ako ng pinto. Pumasok na ako at pumasok na rin sya. Nadatnan ko sa loob yung buong member ng exo.

"Ang ganda mo ngayon Althea." biglang sabi ni Kai kaya nginitian ko sya.

"Thank you!"

"I like your skirt!" -Luhan

"thanks hehe." 

"So, Althea. Ang kailangan mo lang gawin mamaya ay ang ipakilala ang sarili mo. At kapag nagtanong ang mga press sa'yo mamaya, sagutin mo nalang sila. Wag mo lang sasabihin na pretend relationship lang kayo ni Chanyeol. And you two should act sweet things towards each other mamaya. Do you understand?" tanong ng manager nila saamin ni Yeol. Tumango naman kaming dalawa ni Yeol.

"Yes Manager"

*

Pagkarating namin sa venue kung saan magaganap yung press conference ng exo ay agad kaming bumaba. Inalalayan pa ako ni Yeol sa pagbaba. Pinaligiran agad kami ng mga reporters at nag simula na sila mag tanong ng kung ano ano. Mabuti nalang at may mga body guards kung hindi ay mapipipit kami nito. lol

"Park Chanyeol, totoong bang dinedate mo si Althea Kim?"

"Kailan kayo babalik sa Korea?"

"Ilang buwan o taon na ba kayo nag-de-date ni Ms.Althea Kim, Park Chanyeol?"

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon