Chapter 30

24.3K 572 44
                                    

update ulit! hehe. I know nabitin kayo sa huling chapter. 

Chapter 30

(ALTHEA KIM POV)

Nagising ako nang maramdamang may nakahawak sa kamay ko. Nilinga ko yung ulo ko at nakita ko si Yeol na nakadukmo habang hawak hawak yung kamay ko. Napangiti nalang ako. Nasa hospital pala ako ngayon dahil sa nangyari kanina. Pero teka, bakit nandito si Yeol? Diba dapat kasama nya ang ibang exo members ngayon dahil shooting nila ng MV sa bago nilang song? Pero bakit sya nandito ngayon? At pano nya nalaman yung nangyari sakin? Ang naalala ko lang ay si nung tawagin ni Jinho yung pangalan ko. Pero nasan na sya? Kaming dalawa lang ni Yeol yung tao dito sa loob. Si Maine din nasaan?

Tumingin ulit ako kay Yeol na natutulog ngayon. Di ko mapigilang ngumiti. Nakatulog siguro sya sa kahihintay na magising ako. Hawak hawak pa nya yung kanang kamay ko. Bahagya ko iyong ginalaw. Nagkamali ako ng galaw dahil nagising ko sya. Kinusot kusot nya yung mata nya at tumingin sakin. Ngumiti ako sakanya. Nagulat naman sya at dali daling tumayo.

"Althea? Okay ka na ba? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? Anong gusto mo? Ikukuha kita." sunod sunod na sabi nya. Napangisi nalang ako. Nagaalala sya sakin. I can see it in his eyes.

"Calm down Yeol... Okay lang ako. Walang masakit sakin." ngumiti ulit ako sakanya. Para naman syang nabunutan ng tinik sa sinabi ko. Umupo ulit sya sa upuan at hinawakan yung kamay ko.

"Althea.. i'm sorry.." panimula nya

"Kung hindi dahil sa mga fans ko, hindi ka magkakaganito. Sorry Althea kasi wala ako dun para ipagtanggol ka sakanila. Sorry Althea... Sorry... It's all my fault. Hayaan mo, magpapatawag ako ng press conference at pagsasabihan ko sila." hinawakan ko yung kamay nya at ngumiti.

"It's not your fault Yeol. Hayaan nalang natin sila. Mahal na mahal ka nila kaya nila ginawa to sakin. Ayaw nilang mapunta ka sa iba. Ang gusto nila sakanila kalang. You know Yeol, you should be thankful kasi may mga fans ka  na katulad nila. Kaya nilang gawin ang lahat para sayo. Don't be mad at them. Mag iingat nalang ako sa susunod." pinilit kong ngumiti

"Pero kasi Althea sobra na yung ginawa nila sayo kanina. Nasaktan ka na dahil sakanila. Hindi ko mapapawalang bahala yung nangyari sayo. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi na nila ulitin yun. I can't stand seeing you hurting. Mas gugustuhin ko pang ako yung saktan nila kesa ikaw." aniya

"Hayaan mo na lang sila Yeol. Please? For me? Ayokong magalit ka sakanila. Kahit anong mangyari, fan mo parin sila. Kung hindi dahil sakanila, hindi kayo makakarating kung nasaan na kayo ngayon."

"O..okay.. Kung iyan ang gusto mo." ngumiti ako sakanya

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon