Chapter 40

18.7K 543 63
                                    

Chapter 40

(ALTHEA KIM POV)

It's been a week simula nung press conference. Lagi laging nagpupunta si Yeol dito sa bahay pero hindi ko sya hinaharap. Nananatili lang ako sa kwarto hanggang sa makaalis sya. Sinasabi ni Maine sakin na hindi daw titigil si Yeol sa kapupunta dito sa bahay hanggat hindi ako nakakausap manlang. Pero kasi hindi ko pa sya kayang harapin o kausapin ngayon. Sa tuwing naiisip o tinitignan ko sya, bumabalik yung sakit sa dibdib ko.

Christmas Day na bukas at mamaya naman yung Christmas Eve. Bussy sila Mom at Dad sa pagluluto para sa Noche Buena mamaya. Kahit nasa Korea kami ngayon, hindi namin pinapasa walang bahala kung ano yung mga nakasanayan naming gawin tuwing Christmas sa Pinas. Pupunta dito yung mga iba ko pang kamaganak mamaya para sa family dinner namin.

"Bess, nandyan na naman si Chanyeol oppa sa labas." sabi sakin ni Maine habang nakatingin sa bintana.

"Hayaan mo na sya Maine." matapos marinig ng sinabi ko ay humarap sya sakin.

"Alam mo bess, naaawa ako kay Chanyeol oppa. Kasi araw araw na syang nasa labas naghihintay sayo, pero ikaw naman wala kang pakialam. Try mo kaya syang kausapin at pakinggan yung paliwanag nya no? Christmas na bukas kaya patawarin mo na sya. Alam kong hindi magagawa ni Chanyeol oppa yung mga ganong bagay. Alam ko ring totoo yung nararamdaman nya sayo. Kaya Althea please... Kausapin mo na sya. Namimiss ko na yung kasweetan nyong dalawa. Namimiss ko na yung ChanThea." malungkot na saad ni Maine

"P-Paano mo naman nasabi na totoo yung nararamdaman sakin ni Yeol? Huh Maine? May proof ka ba na totoo ang feelings nya sakin?" tumingin sya sa dalawang mata ko bago nag salita

"Meron akong proof bess! Sinabi sakin ni Dyo oppa yung totoong nararamdaman ni Chanyeol oppa sayo. (Chapter 18) Sinabi nya sakin yun nung nagpunta tayo sa SM Building Althea. Nung nagpunta tayo sa room ng mga SM ROOKIES, yung paglapit sayo ni Johnny oppa. At kitang kita ng dalawang mata ko ang pagiigting ng panga ni Chanyeol oppa nun. Isa lang ang ibig sabihin ng pagiigting ng panga nya bess. Nagseselos sya. Ibig sabihin, dun palang ay may gusto na sya sayo. Nilapitan ko pa nga nun si Dyo oppa para konpirmahin yung mga hula ko at nalaman kong may nararamdaman nga si Chanyeol oppa para sayo. Mahal ka nya bess. Kaya please kausapin mo na sya. Makipagbati ka na sakanya." lumapit na sya sakin at hinawakan yung kamay ko.

"Please bess?"

"T-Totoo ba yung mga sinabi mo tungkol kay Yeol, Maine?" dali dali syang tumango

"Totoo yun bess. Hindi ako nagsisinungaling sayo. Kahit itanong mo pa kay Dyo oppa." sunod dunod na sabi nya

"Kaya Althea please babaan mo na yang pride mo at makipag ayos ka na sakanya. Alam kong mahal mo si Chanyeol at ang pride mo lang ang pumipigil sayo na makipagayos sakanya." napaisip ako sa mga sinabi ni Maine tungkol kay Yeol. Kung totoo lahat ng sinabi nya, edi ibig sabihin din nun na totoo ang mga nararamdaman sakin ni Yeol? Pero bakit sya nag sorry sakin? I need to know kung bakit sya nag sorry sakin.  Oo tama! Bababaan ko na yung prode ko ngayon at kakausapin ko na sya. Tumayo ako at nag-ayos ng sarili.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon