Chapter 14

30.2K 635 33
                                    

as I promised, eto na po ang next update. 

Enjoy Reading ^_^

Chapter 14


(ALTHEA KIM POV)

Many days have passed. Bukas na yung alis namin papuntang Seoul, Korea. At ngayon ay nandito kami ni Maine sa Peter Pan University. Inaasikaso kasi namin yung mga papel na kailangan namin asikasuhin at para na rin magpaalam sa mga kaibigan namin dito sa school. Pagkalabas namin ng Administration Building ay dumiretso kami ng cafeteria. Nakita agad namin yung mga kaibigan namin na kumakain kaya lumapit kami ni Maine sakanila.

"Oh Althea, Maine bakit hindi kayo pumasok ?" tanong ni Sam, isa sa mga kaibigan namin. Hindi pa kasi nila alam na aalis na kami ni Maine. Hindi rin naman namin nasabi kasi busy kami masyado ni Maine.

"Ah, aalis na kami ni Althea eh." si Maine na yung sumagot kay Sam.

"San naman kayo pupunta?" tanong ni Shy, isa pa sa mga kaibigan namin.

"Sa Korea. Doon na kami ni Althea."

"WHHHATTT? Bakit naman? Pano na kami?" -Ann

"Biglaan din nga eh. Sila Althea lang dapat yung aalis kaso ayaw kong mawalay sa bestfriend ko kaya pinilit ko sila Mom na pasamahin ako. Doon na kami magaaral ni Althea." ani Maine.

"Ayy ang daya nyo! Iiwan nyo kami dito! Nakakapagtampo!" -Sam

"Awwtsuu. Wag ka na magtampo Sam. Tatawag naman kami lagi sa inyo ni Althea. Atsaka para saan pa ang Facebook at Twitter diba?"

"Wahh. Mamimiss ko kayo Althea, Maine. Huhu. Bakit kasi kailangan nyo pa umalis." -Shy

"Kailangan eh. Mamimiss din naman namin kayo ni Maine."

"Basta walang kalimutan ah?" -Ann

"Sus! Oo naman syempre." sabay naming sabi ni Maine. Nakipagkwentuhan lang kami sakanila at nung klase na nila ay umuwi na din kami ni Maine.

"Sige Maine, Daanan ka nalang namin ni Mom sa bahay nyo bukas. Bye!" sabi ko kay Maine.

"Sige! Bye Althea." aniya. Tumango ako bago lumabas ng kotse. Pumasok agad ako sa bahay namin at natagpuan ko si Mom sa living room na may kausap sa phone nya.

"Mom, I'm home." bati ko sakanya at hinalikan sya sa pisngi.

"Baby, nandito ka na pala. Eto si Dad mo ohh." at binigay nya sakin yung phone nya.

"Hello Dad." bati ko kay Daddy sa kabilang kinya.

"Princess, how are you? Ready ka na ba sa flight nyo bukas?"

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon