Chapter 29

22.6K 519 28
                                    

Chapter 29

(JINHO/JOHNNY POV)

"Oppa! Ikaw na kasi maghatid sakin ngayon dun sa University. Please?" kanina pa ako kinukulit nitong cousin ko na ihatid ko daw sya dun sa university na papasukan nya. Meron naman syang kotse ang kaso lang, di sya marunong mag drive kaya nagpapahatid sya sakin ngayon. Meron rin naman silang driver pero ayaw nya magpahatid dun, mukha daw kasing bakulaw yung driver nila. Tss!

"Aishh Fine! Tara na nga!" kinuha ko sakanya yung susi at pumasok na sa kotse nya. Pumasok narin sya sa passenger sit at nagsimula na ko magdrive. Pagdating namin dun sa Hwang Moon University, kung saan sya papasok ngayon ay bumaba na sya. Kinatok nya yung bintana sa may driver's seat kaya binaba ko iyon.

"Ano nanaman?"

"Oppa! Hintayin mo na ko please! Saglit lang naman yung class ko ngayon! Hindi aabutin ng hapon! Sige na oppa! Please? Ililibre kita ng lunch mamaya!" pilit nya sakin. Pinagdikit nya pa yung mga palad nya. 

"Oo na! Ngayon lang to ah? Bukas di na pwede!" tumango sya

"Yay! Sige oppa! Jalga!" kumaway sya sakin atsaka tumakbo papasok sa loob. Ipinark ko yung kotse sa parking lot ng HMU at pumasok din sa loob. Maglilibot nalang ako kesa mabagot dun sa loob ng kotse sa kahihintay sakanya. Malaki yung HMU. Naglibot libot pa ako sa buong univ. Nang makaramdam ako ng gutom ay dumiretso ako ng cafeteria nila. Nadaanan ko to kanina kaya alam ko yung way. Habang naglalakad ako papuntang cafeteria ay may nakita akong kumpulan ng mga babae sa harap mismo ng cafeteria. Lumapit ako at tinignan kung ano yung pinagkukumpulan nila. Meron dung grupo ng babae na binabato ng itlog yung babae sa gitna. Pinagtutulungan nila. Di ko masyado makita yung mukha ng babae kasi sinasanggi ng mga braso nya yung itlog para si matamaan yung mukha nya. Nagulat ako ng binato nung babae yung kaawawang babae sa gitna ng timba na hawak hawak nya. Malakas yung pagkakabato nya kaya natumba yung babae. Patuloy parin sila sa pagbabato ng itlog. Doon ko nalaman kung sino ba yung babae na binabato nila. Si Althea yun! SHT! 

"ALTHEA!" sinigaw ko na yung pangalan nya. Kaya naman natigil sila sa pagbabato ng itlog. Dahan dahang tumingin si Althea sakin. DAMN! Ang dami na nyang sugat sa buo nyang katawan. Tapos yung noo nya, nagdudugo pa!

"Jinho..." mahina nyang banggit sakin tapos ay bigla nalang syang nawalan ng malay. Dali dali akong lumapit sakanya at saka sya binuhat. Nagsipag takbuhan naman yung mga bumato sakanya ng itlog. 

"BESS!" lumapit sakin yung isang babae. Namumukhaan ko sya, sya yung bestfriend ni Althea. 

"Johnny oppa, dalin na natin sya sa hospital." natataranta nyang sabi sakin. Tumango ako at dali daling isinakay sa kotse si Althea. Sumunod naman yung bestfriend nya. Nang makarating kaming hospital ay dali dali kong binuhat si Althea. Sinalubong kami ng mga nurse na may dalang stretcher. Hiniga ko si Althea doon at ipinasok na nila sya sa loob. Sumunod naman kami ng bestfriend nya at naghintay sa labas ng ER.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon