Chapter 55

13.9K 416 24
                                    

Chapter 55

(PARK CHANYEOL POV)

Bukas na yung 1st anniverasy namin ni Althea. Magwa one year na kami. I never thought na aabot kami ng ganun katagal. Parang kailan lang nung una ko syang makita doon sa Philippines. Naalala ko pa, umuulan nun. It was our first time to be in the Philippines that time. First concert namin yun dun. Sa may tabi ng poste, may isang babaeng nakaupo. Wala syang dalang payong at para bang problemadong problemado. Basang basa na sya ng ulan kaya naman agad kong pinahinto yung sasakyan tapos ay pumunta sakanya at pinayungan sya. Doon ko nalaman ang pangalan nya. Althea Kim, ang babaeng di ko akalaing mamahalin ko ng lubos. 

Simula nung araw na yun, lagi ko na syang naiisip. Ang weird nga lang kasi iyon palang yung first meeting namin tapos ay kinuha ko na agad yung number nya. Eh sa wala eh. Natamaan ako! Love at first sight kumbaga. Kaya naman ngayong first anniv namin, kailangan kong i-surprise sya. Big day to para saming dalawa kasi isang taon na ang relasyon namin kaya dapat lang na pinaghahandaan. I want to surprise her. 

Kinuha ko ang phone mula sa bulsa ko at tinawagan si Sin.

"ayos na ba yung lahat para bukas?" tanong ko sakanya pagkasagot nya ng tawag.

"Yes boss! Ayos na ayos!" sagot nya

"Good! Magkita nalang tayo bukas!" 

"Yes boss!" sabi nya kaya naman in-end ko na yung call. Nagpalit ako ng damit at pumunta ng university na pinapasukan ni Althea. 

Pagpasok na pagpasok ko palang sa university ay nagsipagtakbuhan agad yung mga students papunta sakin. Sht! Nakalimutan kong isuot yung cap at shades ko. Agad agad namang lumapit sakin yung guard ng university para harangan ako sa mga fans.

"Yeol!" narinig ko ang boses ni Althea sa may gilid ko kaya agad ko syang nilingon. Hinawakan nya agad yung kamay ko pagkatingin na pagkatingin ko palang sakanya at hinila ako papalayo doon.

Magkahawak kamay kaming tumatakbo para hindi maabutan ng mga fans.

Hingal na hingal kami ng makarating sa bench na nadaanan namin. Umupo agad si Althea na naghahabol ng hininga.

"Grabe! Tumakbo na naman ako ng pagkabilig bilis!" sabi nya. Umupo naman ako sa tabi nya. Bumaling sya sakin at sinamaan ako ng tingin.

"Oh bakit ang sama ng tingin mo sakin?" tanong ko

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon