Chapter 27

25K 571 97
                                    

Chapter 27

(ALTHEA KIM POV)

Pagkatapos alisin ni Sehun yung kumot na suot suot nya ay bumalik na sya sa living room at umupo sa tabi ni Kai. Nandito yung manager nila na nakaupo din at may dala dalang dalawang plastic bag at punong puno ng pagkain. Nagsipagkuhanan naman sila dun. Si Yeol ay binigyan din ako ng chips.

"Sunghwan hyung! Napadalaw ka?" tanong ni Baekhyun habang nilalantakan yung chips.

"Ohh. We have a meeting kanina with sm crew and we decided to have your comeback this december. October palang ngayon and I think you'll be busy na starting on Monday.. Sa November kasi, magkakaroon kayo ng reality variety show called EXO's Showtime at ipapalabas ito sa cable channel MBC every1. So, sa monday, magsisimula na ang pagkuha sa inyo ng video para dun sa show nyo. I think it'll be 10-11 episodes? I'm not sure yet. Then by the month of November, kailangan nyo na maghanda para sa comeback nyo and dun sa show nyo. We don't have an exact date kung kelan yung comeback nyo. Paguusapan nalang siguro natin yun soon. So boys, be ready. Magiging sobrang busy na talaga kayo starting on Monday. Sabado ngayon at gawin nyo na ang gusto nyong gawin bukas." pagpapaliwanag ng Manager nila. Tumango tango naman sila Yeol.

"Ano yung tungkol dun sa EXO's Showtime?" tanong ni Suho

"EXO's Showtime is your reality variety show. Kung saan vivideohan nila yung daily life nyo as an EXO members. But I request, wag nyo nalang pansinin yung mga nagvivideo na sumusunod sa inyo. Just do whatever you want. And Althea, pwede ka naman sumama sakanila eh." tumingin sakin yung manager nila

"Uhmm.. I don't think makakasama po ako. Kasi sa monday po, papasok na kami ni Maine ng school. Dito na po kasi namin ipapatuloy yung studies namin hanggang sa makagraduate." paliwanag ko.

"Ohh.. Okay lang... Pero pag may free time ka, pwede ka sumama!" aniya

"Sige po. I'll try."

"Sige. Hmm I guess nasabi ko na ang gusto kong sabihin. I'll be leaving now. Sa Monday, susunduin nalang namin kayo dito sa dorm nyo." tumayo na sya at saka dumiretso ng pinto. Nagpaalam naman kami sakanya. Nang makaalis na yung manager ay pinagusapan nila yung tungkol dun sa comeback at sa show nila. Hinawakan naman ni Yeol yung kamay ko.

"Papasok ka na ng school sa monday?" tanong nya. Tumango ako.

"Ohhh. Anong school naman? Para mapuntahan kita minsan"

"Uhmm. Sa Hwang Moon University ba yun?"

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon