Chapter 45

16.2K 474 50
                                    

Chapter 45

(ALTHEA KIM POV)

Dali daling tumayo si Yeol sa pagkakadagan nya kay Ally. Ganun rin naman yung ginawa ni Ally. Lumapit sakin si Yeol at hinawakan yung kamay ko. Binigyan nya ko ng tingin na para bang nagtatanong kung ayos lang ba ako. Hindi ko sya sinagot imbis ay yumuko nalang ako.

"Sorry Yeol" rinig kong sabi ni Ally.

"That's enough Ally. Kanina pa ako nagtitimpi sayo. Date namin to ni Althea kaya kung maaari, wag ka nang makisingit. Sinisira mo yung araw na para saming dalawa. Let's go Althea." hinila ako ni Yeol papalayo dun. Wala na rin akong nagawa kundi magpahila sakanya. Hinayaan ko nalang na dalhin nya ko sa gusto nyang puntahan.

Tumigil kami sa may isang park. Umupo sya sa may isang bench at syempre umupo na rin ako. Walang nagiimikan samin. Tahimik lang kami pareho. Iniisip ko parin yung nangyari kanina. Dapat siguro na hindi ko nalang sinama si Ally sa date namin para hindi ganto yung kinalabasan. Naramdaman ko ang paghawak ng kamay nya sa kamay ko. Kaya napatingin ako sakanya.

"A-Are you mad?" he asked. Hindi ko sya sinagot. Tumungo lang ako. Hinigpitan nya yung hawak sa kamay ko

"Althea it's not what you think ok? Ginawa ko lang yun kasi nakita kong tatamaan na sya ng bola. Wag mo sanang ma-misunderstood yung nangyari. I'm sorry kung nasaktan ka dahil dun. C'mon Althea! Don't be mad at me please. Ituloy na natin yung date natin ngayon. Yung tayong dalawa lang. Yung walang sagabal." tumingin ako sakanya at ngumiti.

"It's okay Yeol. I'm not mad. Tara i-continue na natin yung date nating naudlot." ngumiti ako sakanya at tumayo. Tumayo rin sya at naglibot libot kami sa park na'yon. Kung ano ano lang yung ginawa namin. Kain ng ice cream, nakikipaghabulan sa mga batang naglalaro, kain ulit. Basta masaya! Kahit naudlot kanina, sobrang worth it ngayon dahil sobrang nag-enjoy ako kasama si Yeol. Meron pa ngang mga teenagers na pinipicturan kaming dalawa ni Yeol. Pero hindi sila lumalapit. Ayaw siguro nilang makaistorbo. Hahaha~ Nang makaramdam kami ng pagod ay umupo kami sa may bench doon na nakatapat sa isang maliit na lake.

"Nag-enjoy ka ba?" tanong nya. Tumango ako at tumingin sa may lake. Pinagmamasdan ko yung lake ng bigla akong may maalala. Tumingin ulit ako kay Yeol

"Ano palang balita sa meeting nyo kanina? Anong mga bansa daw yung pupuntahan nyo? Gano katagal?" biglang nag-iba yung pinta ng mukha nya dahil sa tinanong ko. Tumungo sya

"B-Bakit ganyan yung mukha mo? M-Matagal ba kayong mawawala?" kinakabahan ako sa sagot nya. Sana hindi abutin ng kahit mga ilang buwan yung world tour nila. Sana hindi magtagal.

"Yeol?" tumingin sya sakin at pilit na ngumiti

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon