Chapter 11 part 1

30.4K 702 55
                                    

sorry kung natagalan yung update. na writer's block ako eh. :c Dedicated nga pala 'to sakanya. Thanks sa pagcocomment sa halos lahat ng chapters :)

Chapter 11 partt 1

(ALTHEA KIM POV)

"Baby, we're going back to Korea next week. Doon na tayo titira for good."

W..what? Anong pinagsasabi ni Mom? Anong titira sa Korea? NO! Ayoko tumira dun! Pano na si Maine? Ayokong mapalayo sa bestfriend ko! :(

"B..but Mom-" hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil pinutol na iyon ni Mommy.

"No buts Althea Kim! Doon na tayo titira whether you like it or not!" madiin nyang sabi

"P..pero pano na si Maine?"

"Oh about Maine? Pwede natin sya isama sa Korea. Kung papayag sya at ang parents nya. So, i'll leave you now here. Iyan lang ang sasabihin ko sayo. And mag simula ka na rin mag impake ng mga gamit mo." Aniya kaya tumango nalang ako. 

OMG! Pwede talagang sumama si Maine sa Korea? Wow! Just wow! Sana lang talaga pumayag sila tita na payagan si Maine na sumama samin. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko atsaka tinawagan si Maine. Sinagot naman nya agad iyon.

"Hello Althea?"

"Maine! Nasan ka ngayon?"

"Nasa taxi ako ngayon. Pauwi na. Bakit?"

"Meron akong sasabihin sayo. Sige. Pupunta nalang ako sainyo ngayon. Hintayin mo ko sa may gate ha?"

"Okay! Sige."

"Bye!"

"Bye." at ibinaba ko na yung tawag.

Inayos ko yung damit ko atsaka lumabas na ng bahay. Pumara agad ako ng taxi at tinuro yung way papunta sa bahay nila Maine. Nang makarating ako doon ay nakita ko sya na nakaabang na sa labas. Inabot ko yung bayad ko sa taxi driver at bumaba na.

"Maine!" bati ko sakanya.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon