Kabanata 45

2.7K 96 14
                                    

Hi. This will be the last chapter of this story. Thank you!

Kabanata 45

"Pasok!" sigaw ng isang matabang lalaki at tinulak silang mag-ina papasok sa isang kwarto.

Pumiglas si Samuela kaya naman nahirapan ang lalaki. Kinuha niyang paraan iyon para kunin ang isang ballpen na nasa bulsa nito. Napansin niya na kanina pa itong nagsasagot ng crossword puzzle sa byahe papunta rito.

"Putangina ka, ah! Isa pa, masasampal na kita!" mura sa kanya ng lalaki at umambang sasaktan siya. Bahagyang napasigaw si Natalia sa takot roon.

Mahigpit na umiling si Samuela. Nakita niya ang pagkakahulog noong ballpen sa hindi kalayuan. Ngumisi si Samuela at tinapakan iyon para hindi makita ng mga bantay. She should gather any weapon she can have.

"Carlito! Tama na 'yan! Hinahanap na tayo ni Mujer." mura noong isa pang may buhat kay Natalia.

Sumarado na ang pintuan. Pinunasan ni Samuela ang kanyang noo at marahang pinulot ang ballpen at nilagay sa ilalim ng unan na naroon. Ilang saglit pa ay bumukas na ang pintuan. Nakaupo sina Samuela at Natalia sa harap ng mga armadong lalaki. Pinipilit ni Samuela na maging matagtag sa oras na ito. She cannot cry as she can feel that Natalia was already scared of these guys.

"Mujer," tawag niya sa lalaking tinuturing na lider ng mga taong naririto.

Nilingon siya ni Mujer. She looked at him with so much hatred. Paano natitiis nito na makita ang isang bata na takot na takot sa harapan nila.

"Pakawalan niyo ang anak ko. Huwag niyo siyang idamay." she said.

"Utos ni-"

"Mujer! Inosente ang bata! Ako na lang ang patayin niyo..." pagmamakaawa niya.

Natigilan si Mujer sa bigla niyang pakikiusap pero umiling rin pagkalipas ng ilang minuto.

"Bantayan niyo ang mag-ina'ng yan, kung hindi... malilintikan tayo kay Uno. Naiintindihan niyo?" utos niya sa dalawang bantay at lumabas na.

Kaya niyang maghirap ngayon sa kamay ng nightshade. Noon pa man, alam na niya na ito ang kanyang kakahinatnan. She just doesn't expect that Natalia would be here too.

Ito na ba ang karma niya? Sa lahat  ng kasinungalingan niya? Dapat bang pumayag na lang siya sa gusto ng mga Querio? They're right. Kung hindi siya umalis doon kasama ang anak, she'll be safe. Wala rito sa madilim na lugar at umiiyak.

She wiped her tears bago pa man magising ang anak na nakatulog na sa pag-iyak. She was so sure that this will create an impact to her daughter. She cannot forgive Uno for this. This was too much.

She knew that she said hurtful words to Athos, but he's the only person who can help them. She desperately needs to get her daughter out of here. Kahit si Natalia na lang.

Another day has passed. Nalaman niya na lang na umaga na nang may liwanag na lumalabas sa siwang ng mga kahoy na pader ng bodega kung saan sila naroon. Pumasok si Mujer na dala-dala ang dalawang tray ng masasarap na pagkain.

Nilapag niya iyon sa isang kahoy na mesa sa tabi ng malambot na kama. At least, they had a comfortable bed so Natalia can sleep. Hindi nagsalita si Mujer at nagmamadaling lumabas. Ang dalawang bantay naman ay nag-uusap sa isang gilid.

Tinapik ni Samuela ang pisngi ng anak. She smiled when she opened her eyes. Hinalikan ni Samuela ang tuktok ng ulo ng anak at tinuro ang mesa na may pagkain. Their food were decent. Hotdogs, bacon and pancakes for breakfast.

Battle Scars (Querio Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum