Kabanata 7

2.1K 84 7
                                    

Kabanata 7

Agad siyang hinigit ni Major papasok sa fire  exit. Napamura siya ng marahan ng marinig ang mga yabag ng ilang security.

They started a big commotion for sure. Malalalim ang hinga niya dahil sa kaba.

"Sir, nagwawala si Catherine. Exit A and B are blocked by the hotel security."

Huminga siya ng malalim at nagmura. Hinila na niya palabas si Samuela dahil nakarimig sila ng mga yabag na mukhang pababa ng hagdan.

Tumakbo sila ng mabilis. Nagulat na lang si Samuela ng hinila siya papasok ni Athos sa isang makitid at madilim na kwarto.

Halos magkadikit na ang kanilang mga dibdib. Napamura siya roon. Ang init ng kanilang mga katawan ay dumagdag pa sa init ng buong kwarto.

May mga boses sa labas ng pipe chase. May mga kasa ng baril doon. Bawat paghinga ni Samuela ay tahimik, takot na baka bigla silang makita ng sinuman sa mga naghahanap sa kanila.

"Hanapin niyo doon! Kayong tatlo maiwan kayo rito sa fire exit. Hindi makakatiis ang mga iyan. Lalabas at lalabas din yan!" Hiyaw noong isa.

Sumunod ang mga ito sa utos na iyon. Nagmura si Athos at tumikhim.

"Have you talked to him?" Tanong niya sa linya.

"Yes. Sir. Approximately twenty minutes." Sagot ni Tyler sa kabilang linya.

"Where are the others?" Pabulong na tanong niya.

Tahimik lang siyang nagsasalita habang si Samuela naman ay basa na ng pawis sa takot at init sa loob noon. Pagala gala pa din ang tatlong security doon.

"Xed and the others are trying to secure your way up, Sir." Ani Froilan.

Tumango si Athos at nilingon si Samuela na tahimik doon. Napansin niya ang halos pagkakayakap niya sa dalaga dahil sa liit ng espasyo ng pipe chase na iyon.

"Do you have your pistol?" Tanong niya.

Tumango si Samuela. At sumulyap sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Nararamdaman niya ito za hita niya pero nahihirapan siyang gumalaw dahil sa sikip noon.

"Strapped on my legs...But I cannot reach it. The space's too tight for me." Sagot niya.

Tumango si Athos. Kinuha nito ang baril niya na nasa loob ng kanyang coat at kinasa iyon.

Huminga siya ng malalim, at sinulyapan ang tatlong bantay malapit sa kanila mula sa louver design ng pintuan.

"You will use your pistol now. We cannot saty here for any longer. May darating na chopper sa helipad. I need you to go up there." Bulong ni Athos.

Tumango si Samuela. Tinuruan siya nito na gamitin ang baril na iyon. Pero hindi niya alam kung may puso ba siya para gamitin iyon ngayon.

Hindi na niya maitatanggi na takot siya ngayon. Hindi lang para sa seguridad niya, kundi pati na rin sa trabaho niya. Kailangan niyang makalabas dito ng tahimik at buo.

Nagulat siya ng pumasok ang kamay ni Major sa high slit ng kanyang gown. Kung wala sila sa gulong ito, paniguradong sasampalin niya ang binata.

Ramdam niya ang mainit na palad nito na kumakapa sa hita niya. Nakakakilito ang sensasyong dulot noon. It isn't the first time she's been touched there, pero hindi maitatanggi na mas  hindi siya kumportable rito.

Battle Scars (Querio Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant