Kabanata 15

2.1K 99 7
                                    

Kabanata 15

Sergio Montecillo Jr.
A brother, a friend, a hero.

Hinaplos ni Samuela ang glass kung nasaan nakalagak ang abo ng kapatid. Huminga siya ng malalim habang pinagmamasdan ang maliliit na kwadrong naroon.

"Serge," bulong niya. "Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko."

Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Tumikhim siya at nanatili ng ilang saglit roon. Nag-alay siya ng ilang panalangin para sa kapatid.

Naguguluhan niyang nilisan ang crematorium. Wala na siyang pakialam. Sa ngayon ay hindi niya kilala ang ilang militar na nagbabantay sa kanya habang pamilyar sa kanya ang isa.

Hindi ito ang team ni Athos. Busy sila sa pagbabantay kay Roces kung totoo man na may traydor. Uno would do everything to shut his mouth.

Lumapit siya rito. Seryosong nakatayo ito at tinatanaw ang malawak na lupain sa harap ng crematorium.

"You're Gregory Querio, right?" Tanong niya.

Ngumuso ang binata at tumango. Kahawig ito ni Athos. Hindi rin naman mabilis makalimutan ang ganitong mukha. Hangal ang babaeng makakalimot nito.

"Pwede mo ba akong bigyan ng kaunting privacy? Gusto ko sanang dalawin ang ilang kamag-anak ko na nakalibing rito." Tanong niya.

Nilingon ni Gregory ang paligid at tumango. Sinensyasan niya ang ilang kasama na lumayo at ikalat ang sarili para mabigyan ng privacy ang abogada.

"Mahigpit ang utos ni Athos sa akin, Miss Samuela. Kaya lalayo lamang kami pero magmamasid pa din sa anumang panganib." Paliwanag nito.

Tumango si Samuela. Alam niya iyon. Naglakad na papalayo ang mga ito sa kanya. Nag-umpisa na rin ang abogada na lumapit sa dalawang lapida. Matagal na iyong hindi napupuntahan. Tinagtag niya ang ilang tuyong dahon na naroroon at nilapag ang mga bulaklak.

Umupo siya sa harap at sinindihan iyon.

"Ma, Pa," Muli niyang bulong at hinaplos niya ang isa pang lapida na walang pangalang nakalagay. Matagal na niyang hindi binabanggit ang pangalang iyon. Iniisip na lamang niya na kung nasaan man siya, ay tahimik na ito at napatawad na siya.

Unti-unti nang umagos ang kanyang luha. Hindi niya akalain na sa sunod niyang pagpunta rito ay napakahirap ng kanyang mga emosyon.

Ang daming nangyari. Hindi niya na alam ang gagawin kaya naman naririto siya at umiiyak sa harap ng pamilya niya.

Isang taon na din mula ng mapadpad siya rito. Sa tuwing naguguluhan siya, saka lamang siya pumupunta sa sementeryo. Kahit na mga bato na lamang ang nakikita niya, para bang dinadala siya nito sa panahon na buhay pa sila.

Magaling na sundalo si Athos. Panahon na lang ang kalaban niya rito. Hindi niya tiyak pero alam niyang malalaman din nito ang lahat.

Niyakap niya ang kanyang mga tuhod. Pakiramdam niya, nag-iisa na talaga siya. Para bang ngayon lang niya naipagluksa ng maayos ang buong pamilya niya.

Now, Major Athos Prescott Querio is the closest thing to a family that she has. At natatakot siya ngayon na may mangyaring masama. The way he talked last night, ay wala na talaga itong takot sa sinasabing zi Uno.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now