Samara Sybil Leoncio

3.5K 169 32
                                    

I woke up to a strong smell of the hospital. Agaran akong bumangon at sinapo ang ulo. Polo was sitting on a chair and suddenly stood up when he saw me.

"Anong nangyari?" tanong ko.

It was already morning. Nasa isang private room ako.

Natalia jumped at my bed and hugged me.

"Mama!" She called.

I smiled and showered her kisses. She's fine. I was relieved. Polo read his chart and wrote something.

"Anong nangyari, Polo?" tanong ko nang lumabas si Ate Ningnig at Natalia para bumili ng pagkain.

Polo bit his lip and looked at me. Hindi ako mapakali. Ang huli kong naalala ay niligtas ako ni Athos matapos ko siyang mabaril sa binti. Then, people started to shoot each other. Natatandaan ko na lang na binigay ako ni Gregory sa nakaantabay na ambulansya, bago ako nawala.

"Everyone was arrested, Sam." he said.

Kumunot ang noo ko. Everyone?

"You mean..." hindi ko maituloy.

Polo nodded at me.

"Yes. Including my parents. Everyone was arrested. It's just you and me that's left." malungkot na sabi ni Polo pero pinilit ding ngumiti.

I suddenly felt like apologizing. I know Leticia and William did horrible things... but Polo loved them so much.

I know it was heartbreaking for Polo.

"Polo, I am so sorry." I whispered.

I held his hand and tried to squeeze it. Umiling si Polo at ginulo ang buhok ko.

"Hindi mo kasalanan 'yon. Kabayaran lang 'yon ng lahat ng ginawa nila. Hindi rin naman sila inosente."

Tumango ako. Bumukas ang pintuan at pumasok muli doon si Natalia na may dalang take-outs para sa pananghalian. I smiled at her. Bigla kong naalala...

"Polo, kamusta si Athos? Is he okay?"

Tumango si Polo.

"Yes. Nasa kabilang kwarto at nagpapahinga. He regained his consciousness right after the surgery." he answered.

Kinagat ko ang ibabang labi at tumango. Thank God he's not hurt. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin at kung paano ko ieexplain sa anak ko ang mga nangyari. Natalia experienced traumatic things at ayaw ko nang madagdagan pa iyon.

Nang makalabas ako sa hospital ay puro media ang nasa labas ng bahay ko. Naghihintay sila at gusto akong makuhanan ng interview ngunit hindi ko pinapaunlakan. Athos even had to send his men para lang maprotektahan kaming mag-ina.

It's been three weeks and we still never see each other. Panay text lang kami nagcocommunicate. Mabuti na rin dahil hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin.

Everything was on TV. Halos isang buwan naging maingay ang trial. Athos managed to recover the files from Uno's safe. Naroon ang mga ebidensya na nagdiin sa lahat ng kasapi.

Even Luisito and Alicia Villafuerte was arrested. I know Olivia's father was jailed last year at sa mga impormasyon ay tiyak na madadagdagan pa ang kaso ng dating presidente dahil siya ay isa sa mga protektor ng aking ama.

General was cleared. Agad ring pinakawalan ng malamang inosente. Pinuri siya ng mga tao dahil sa tagumpay ng mga apo. Matunog lalo ang apelyido ng mga Querio dahil sa nagawa.

Hindi ko pa nagagawang kausapin ang mga Querio kahit na magkatabi lang kami sa hospital. I've only talked to Olivia and Victoria since the others were busy. Hindi ko rin magagawang bisitahin si Athos dahil alam kong naroon ang mga magulang niya sa kuwarto.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now