Kabanata 30

1.9K 103 7
                                    

Kabanata 30

Samuela kissed Nat's forehead. Pinanood niya itong pumasok na muli sa daycare. Nakangiti din si Polo.

They're headed to the car. Kampante naman si Samuela na maiiwan si Natalia kay Ate Ningning.

"I should really buy my own car, Polo." sabi niya.

Tumango si Polo at pinaalis na iyon sa parking lot.

"I can buy you, Sam. Alam kong nagtitipid ka. You're not using your father's money." ani Polo.

Ngumuso si Samuela roon. Tatlong taon na niyang hindi ginagastos iyon para sa sarili. Ang mga pera na pinapadala ni Uno, ay binibigay niya sa mga charity. Sa ganoon man lang, nakakabawi siya sa guilt na nararamdaman niya.

Hindi niya kailanman maaatim na gamitin ang maruming pera ni Uno. Kaya sinikap niyang magtrabaho noon sa New Zealand.

She's not earning so much unlike when she's working as an attorney. Kaya lagi niyang pinag-iisipan ang bawat gastos niya lalo na at dalawa na sila ni Natalia. Pinaglalaanan niya ang sweldo ni Ate Ningning pati na din ang bayad sa daycare.

But she still need a car. Nahihiya na siya na araw-araw siyang hinahatid ni Polo sa trabaho. Magkaiba sila ng daan kaya mas magastos iyon.

Kaya naman sa weekend napagpasyahan niyang maghanap ng ilang secondhand na sasakyang pinagbebenta. Para sa susunod, hindi na niya maaabala si Polo kung may mga pupuntahan sila.

Tumigil sa harap ng company ang sportscar ni Polo. Tinatagtag niya ang seat belt.

Tila ba ay malambot ang mga tuhod niya habang sumasakay sa elevator. Pinindot niya ang button ng sumakay si Andres doon.

Nakasuot ito ng coat and tie. Tipid niyang nginitian ang binata. Titig naman ang sinukli ni Andres sa kanya.

"How are you feeling, Sam?" casual na tanong nito.

"I am okay, Sir." she answered.

"I know you feel paranoid. Huwag kang mag-alala, he won't know." he assured again.

Hindi mapigilan ni Samuela ang kanyang kaunting galit. If Andres Luna was tormenting her, it should be stopped.

"Paano ako maniniwala sa'yo? You said it yourself, pinsan mo siya." she gritted.

Ngumuso si Andres at sinulyapan ang kanyang relo.

"Dahil hindi ako nangingialam sa mga bagay na hindi ako sangkot, Attorney. And besides, wala namang ebidensya na ikaw ang nag-utos noong pamamaril." sabi ni Andres.

Kumunot ang noo ni Samuela. Hindi niya makuha ang sinasabi ni Andres sa kanya.

"If you're innocent, you have nothing to fear. That's all I can say." Sabi ni Andres at lumabas na ng bumukas ang elavator.

Natulala si Samuela doon. Nagmamadali siyang pumasok sa opisina para mawala ang kanyang iniisip.

She's innocent kung ang tinutukoy ay ang shooting noon. Pero ang pagtatago ng kanyang katauhan ang nakapagpasama sa kanya.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now