Kabanata 32

1.8K 100 14
                                    

Kabanata 32

She stood there, not knowing what to do. Nagtataka si Ningning dahil hindi pa sila umuuwi ganoong natapos na ang usapan.

"Ma'am, hindi pa tayo uuwi?" tanong ni Ningning na buhat si Natalia.

Nakatulog na ito sa balikat ng helper. Tumikhim si Samuela at tinaas ang kanyang kamay para pigilan ang paglalakad ng helper.

"Dito ka lang muna. May ichecheck ako," she said.

Hindi pa nakakalayo sa pasilyo si Olivia. Pinanood niya ang lalaking nakatalikod sa kaniya at may kausap sa telepono. Nagtago siya sa isa sa mga haligi ng hallway para pagmasdan iyon.

Sinisipa sipa nito ang bato sa harap niya at tila ba seryoso iyon. She bit her lower lip. Paano na siya tatakas ngayon?

Noong nagplano siya, hindi ito kasama. She's not ready to introduce Natalia to him. Gusto niyang matapos muna ang kaso.

"Ma'am..." malakas ang boses ni Ningning na nakasunod na pala sa kanya.

Napatago agad siya lalo na ng sumulyap sa banda nila si Athos. Nilagay niya ang kanyang daliri sa bibig hudyat na tumahimik ito.

Sinilip naman ni Ningning ang tinitingnan niya.

"Ma'am, anong tinitingnan niyo?" the helper asked.

"Nandyan pa yung...lalaki?" she asked.

Sumilip ulit si Ningning sa banda ni Athos.

"Wala na, Ma'am. Umaandar na 'yung sasakyan. Iyon ata 'yung pinsan nung mama ni Vicci."

Tumango si Samuela at huminga ng malalim. Umalis na rin siya sa pagkakatago doon.

Naglakad sila papalabas sa gate ng school. Naisip niyang kailangan na talaga niyang bumili ng sasakyan.

Pumara sila ng taxi para makauwi na. Tumawag si Polo habang nasa daan
Aniya, nasabi daw ni Andres na bigla na lang siya umalis doon.

She explained the situation thru text. Nagulat din siya sa muntik naming pagkikita ni Athos doon.

Samuela: If he went with Olivia indside, he would have met Natalia.

Polo: Good thing he has a call. You're not yet ready, obviously.

Samuela: Handa naman akong makulong. Huwag lang muna ngayon na malaya pa ang organisasyon.

Polo did not reply. Iniisip niyang medyo insensitive iyon. Polo did not want his parents to rot in jail.

Weekend came, she bought a second hand SUV. Tinted iyon. Uno used his connections para makagawa ng ID and license niya.

She drove for a while. Tinest niya iyon hanggang sa napadpad siya sa pamilyar na lugar. It was Athos' condo.

Napamura siya ng pumarada siya sa basement. Hindi pa siya ready pero heto ngayon at siya naman ang lumalapit.

Hindi siya bumaba sa sasakyan. Nanatili lang siya sa loob ng sasakyan niya. May pamilyar na pakiramdam doon. She was used to this basement dahil palagi siyang kasama ni Athos noon.

A blinding light lit the dark area of the basement. Pinanood niya ang pagliko ng isang SUV papunta sa banda niya, dahil doon lamang may libreng spot.

Magkatabi ang sasakyan nila. The door of a white Everest went open. Nilabas noon ang si Cynthia wearing a dress.

Pinanood niya ang pag-ikot nito sa backseat at kinuha ang isang box ng sikat na cake at tatlong pirasong lobo.

Diretso ang lakad nito sa elevator na may malaking ngisi. Tiningnan ni Samuela ang date sa screen ng kanyang sasakyan.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now