Kabanata 21

2K 106 11
                                    

Kabanata 21

Umiiyak si Rachel ng pumasok siya sa bahay nina Stephen. Inaalo ito ng nakababatang kapatid ni Stephen.

Magkahawak kamay sila ni Athos na pumasok. Sa likuran, naroon sina Gregory na nakatingin.

Marami ang napatingin sa kanilang direksyon. Nagtama ang paningin ni Samuela at ng mama ni Stephen.

"Hija!" Tawag nito at nilapitan siya.

Umiiyak ito ngayon at niyakap siya. Gumanti siya rito. Maraming kilalang tao ang nasa burol. Ang ilan ay kliyente ni Stephen.

"Tita, I am sorry po." Iyon ang bungad niya.

Umiling ang ina nito na dinaluhan ng ilang tiyahin. Malungkot ang ngiti niya nang nagpaalam para tingnan si Stephen.

Nag-alay siya ng tahimik na dasal rito. Hinayaan siya ni Major na nakatayo lamang sa gilid.

"Maraming kalaban si Stephen, hija. Ilang beses ko nang sinabi na huwag tumanggap ng mga kasong maraming kalaban kaso matigas ang prinsipyo." Anang ama ni Stephen na ngayon ay nasa tabi na pala niya.

"Tito, I am sorry." Paghingi niya ng paumanhin.

Bakas ang pag-iyak ni Tito. Hinawakan ni Samuela ang kamay nito at marahang pinisil.

Parang pamilya na niya ang mga ito. Madalas siyang maisama ni Stephen dito ng maging sila. Kilala na siya ng buong angkan ni Stephen.

Sinulyapan niya si Rachel na umiinom ng tubig. Masama ang tinging pinupukol nito sa kanyang gawi. Tumikhim siya at nakaramdam ng lungkot para dito.

Papunta si Stephen sa arraignment ng isang kaso niya ng tambangan ito ng riding in tandem. Sabi ng pulisya, inambush ito dahil sa kasong hawak niya ngayon sa mga Villafuerte.

Maraming kalaban si Stephen dahil sa mga kasong hinahawakan niya sa ngayon. Iyon ang motibong tinitingnan ng pulis.

"Sino iyong kasama mo?" Tanong ng isang tita ni Stephen na sumilip sa kabaong.

"Opo, tita." Sagot ni Samuela, hindi malaman kung tama lang ba na sagutin niya iyon sa ganitong sitwasyon.

"Ah... kaya ba kayo naghiwalay ng pamangkin ko? Magandang lalaki itong kasama mo." May laman na tanong nito.

Kinagat ni Samuela ang kanyang labi. Hindi na iginalang ng kanyang Tita ang burol ni Stephen at talagang sa harap pa ng kabaong ng binata nagtatanong.

"Tita... hindi iyon sa ganoon. Ilang buwan na rin kaming hiwalay ni Stephen." Pagtatama niya.

Umismid ang tiyahin ni Stephen at hindi na sumagot. Kinulbit ito ng isa sa mga nakikiramay kaya kahit ayaw mang umalis ay napilitan.

Huminga siya ng malalim at umalis na roon. Napansin niya ang paglalakad ni Rachel papunta sa kanya.

Tiningnan niya ang sekretarya. Namumugto ng husto ang mga mata nito.

"Talagang nakuha mo pang magpasikat rito? Ang kapal mo din talaga eh, no?"

"Rachel, nakikiramay ako. Puwede bang ipagpaliban muna natin ang sama ng loob natin sa isa't-isa? Respeto na lang natin kay Stephen." Aniya.

Battle Scars (Querio Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon