Kabanata 2

2.9K 108 4
                                    

Kabanata 2

Walang kaba na naglakad si Samuela papalapit kay Stephen. Binigyan niya ng mabilis na halik sa pisngi ang binata.

"Kanina ka pa ba dito?" Tanong niya at naglakad na paakyat sa hagdan kung saan patungo sa unit niya.

"I just got here. Ikaw, kanina pa kayong magkasama?" Tunog may pagdududa ang boses ni Stephen habang binubuksan niya ang pintuan ng kanyang unit.

Sinulyapan niya ang binata at seryosong tinulak ang pintuan.

"Oo. Nagmeet kami for dinner. He's a friend of my brother at gusto niya akong kamustahin. We talked about my brother. Kayo ni Rachel?" Balik niyang tanong na mas lalong nagpakunot sa noo ni Stephen.

"What are you saying? We just stayed in the firm for work. We prepared for our upcoming trial."

Hinubad ni Stephen ang coat niya at niluwagan ang tie. Umupo si Samuela sa sofa at tinagtag ang heels.

Ramdam niya ang ginhawa doon. Tiningnan niya ang pintuan ng kwarto. Gusto na niyang magpahinga pero naririto pa si Stephen. Hindi naman ito doon tumutuloy kaya napakasama naman kung hahayaan niyang mag-isa ito.

"Have you eaten? I'll cook for you since I already ate." Aniya.

Umiling si Stephen na tila hindi nagustuhan iyon.

"Kumain na din ako. I will just crash here for the night."

Umiling si Samuela.

"No, Steph. You must go home. I am tired." Aniya sa kasintahan.

"Sam, what's wrong with that? I am your boyfriend."

Kinagat ni Samuela ang kanyang labi at tumayo para sagutin ang binata. Pagod na siya at nais na lamang niya mahiga.

"Yes, you're just my boyfriend. Hindi pa kita asawa kaya uuwi ka." Aniya sa matapang na tono.

Naiinis na tumayo si Stephen sa sofa at hinarap si Samuela.

"What? You are unbelievable, Sam! I cannot believe your shits!"

Mabilis na sinara ni Stephen ang pintuan. Ngumuso si Samuela at hinubad din ang kanyang coat.

She had enough. Sa tuwing ganito ang inaasal ni Stephen, nawawalan na siya ng gana. Whirlwind ang relasyon nila. Noong una, naiintindihan niya ang pagiging seloso nito pero sa pagdaan ng taon, naiirita na siya.

Dumiretso siya sa kusina para uminom ng tubig. Sumandal siya sa ref habang nilalagok ang isang basong tubig ng may pumasok sa kanyang isip.

Major Athos Prescott Querio... that guy is really an eye candy.

Umiling siya ng may kaunting ngisi. Do not even go there, Sam. Mura nuya sa isipan at tuluyan ng hinubad ang damit pangtrabaho.

Humiga agad siya sa kama at tiningnan ang dogtag ng yumaong kapatid.

"Still the soft guy, Serge..." Huminga siya ng malalim. "If you think of being selfish just for once... sana buhay ka pa."

Hanggang ngayon, di pa rin niya matanggap ang kabaitan ng kapatid. Lagi niya iyong kinagagalitan dahil palaging napapaglamangan ng mga tao sa paligid niya.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya kailanman, gagaya sa kanyang kapatid. Kaya natuto siyang tumayo sa sariling paa at dumiskarte. Dahil alam niya na walang mangyayari kung sa tuwing magigipit ang iba ay magiging mabait siya.

She's known to be ruthless at her job. Hindi siya kailanman nagpakita ng emosyon sa korte at sa kahit na kaninong kliyente.

Athos graced the bar. Halos mabali ang leeg ng ilang babaeng parokyano sa pagdaan niya. He's knew to them.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now