Kabanata 20

2.2K 99 15
                                    

Kabanata 20

Nakaupo ngayon sa sala ng kanilang condo ang mga lalaking magpipinsang Querio.  Pinagmasdan ni Samuela ang mga ito na seryoso sa pinag-uusapan. Bumisita ang magkapatid na Gregory at Kristoff kay Athos dahil kahilingan ito ni General Querio.

Sinilip niya ang mga ito mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Kanina ay naisip niyang bigyan sila ng privacy dahil naiilang na magsalita si Kristoff tungkol sa mga bagay na para sa kanilang pamilya.

"Felicity wanted to have a pre-birthday celebration for Althea gaya noong ginagawa natin tuwing birthday niya." Ani Kristoff.

"No. I don't want to bring Thea to a bar, Kristoff. Menor de edad pa iyon baka nakakalimutan niyo." Tila kulog iyong sinabi ni Athos.

Umiling si Gregory at ininom ang kanyang beer.

"Tss. Hindi naman doon. Simpleng booze lang kaya ang nasa isip nina Thea at Fel ay sa Bistro na lang ng mga Luna."

"Sinu-sino?" Tanong ni Athos at lumagok na rin ng beer.

Nagkibit balikat si Kristoff at binalingan si Gregory.

"Ah! Mga malapit na kaibigan at mga pinsan lang, Athos. Sina Bernice, saka mga ilang kakilala natin sa highschool. Baka naroon din si Avery." Tumawa si Gregory nang sinabi iyon kay Kristoff.

"Inimbita iyon ni Felicity. Masyado ka daw kasing workaholic at umaasa iyon na magkabalikan daw kayo." Ani Gregory.

Umiling si Athos sa narinig. Madilim namang binalingan ni Kristoff si Gregory.

"Hindi ko gustong makipagbalikan doon, Greg. Pakisabi kay Felicity na hindi niya dapat ako pinapangunahan sa ganoon."

"Yeah, right. Nagising na ba si Olivia?" Tanong ni Gregory.

Nawala ang kaninang masayang tawanan. Tila ba nag-iba ng timpla ang panahon at nauwi sa seryosohan.

Sumandal si Kristoff at umiling. Huminga ng malalim si Athos at nagbukas pa ng isang lata ng beer.

"Don't worry about it. Magigising din iyon sooner or later. Nakausap ko si Borris noong nakaraan sa crame. Mukhang anytime soon magigising din si Olivia." Pagkumbinsi ni Athos.

Tumango si Kristoff roon.

"I know. She'll finish this." Tipid na sagot ni Kristoff at isang lagok na inubos ang alak.

Nagbukas pa ulit ito ng isa.

"May balita na ba kayo doon sa organisasyon?" Tanong ni Kristoff.

Akmang sasaraduhan na ni Samuela ang kanyang pintuan ng marinig iyon. It's about the case! Ni hindi na nga niya napapagtuunan iyon ng maayos. She's wondering what's the update kaya nanatili siyang nakatayo doon.

Si Athos naman ang sumeryoso doon. Naubos nito ang isa pang lata. Niyupi niya iyon at kumuha pa ng isa.

"Nagsalita na ba si Roces? Kanina ay tinanong ako ni General doon. Hindi ko masagot kasi kay Samuela mo ako nilagay." Ani Gregory.

"Ganoon pa din. Hindi magsalita kahit anong gawin. Masyadong matatag ang tiwala doon sa Uno. Kahit hainan ng kalayaan, ayaw ilaglag." Sagot ni Athos.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now