Kabanata 1

4.7K 160 6
                                    

Kabanata 1

Bumukas ang pintuan ng sinasakyang chopper nina Athos. Nasa taas ito ng headquarters kung saan sila lumapag. Agad na sinikop ng mga kasamahan ang kani-kanilang gamit at nagsibabaan.

Dahan-dahan niyang isinakbat ang bag at nahuling bumaba. Naramdaman niya ang mainit at malagkit na hangin. Mas nakakapaso din ang init dahil sa kakulangan ng puno at mas di hamak na maingay ang paligid dahil sa busina ng sasakyan mula sa ibaba.

Ganoon pa rin ang Maynila. Walang pinagbago. Masikip, mainit at maingay. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang lugar kaya hindi na rin siya nagtagal at pumasok na sa elevator.

Sinalubong siya ng ilang kakilala roon. May mga sumaludo at bumati sa kanya na ginawaran lang niya ng tango. Naglakad sila patungo sa opisina ni Cynthia, isa ring sundalo na katiwala ng kanyang Lolo.

Gaya ng dati, maganda pa din ito. Sa suot niyang itim na dress at mapulang lipstick... hindi maitatanggi ang nakakahalina nitong mukha. Parang kailan lang nang halos mabaliw si Athos dito. Tatlong taon na simula ng huli niyang makita ang dating iniibig.

Ngumiti ito sa kanya at naglahad ng kamay. She's still the same. Mas pumayat lamang ng kaunti pero ganoon pa din. Tinanggap niya ang kamay nang dalaga.

He accepted everything. Ilang taon na rin ang lumipas at ilang beses na niyang narinig na malapit ng ikasal ang dalaga. Hindi man niya naamin rito ang kanyang damdamin, hindi siya nanghinayang pa. As long as she's happy. Hindi siya ang tipo na sisira ng isang samahan para sa sariling hangarin.

"Long time no see, Prescott." She started.

Tumango si Athos at humalukipkip. Even her voice, it's still the sweetest note he heard.

"Long time no see, Cynth."

Gusto niyang murahin ang sarili. Bakit hindi niya naisipang mag-ahit man lang o putulan ang kanyang buhok? Nawala na din sa isipan niya ang dalaga, sa dami ng kanyang tungkuling ginanapan sa loob ng tatlong taon.

"Nabriefing na ako ni General. So, here it is... your new assignment." Iniabot ni Cynthia ang isang flashdrive.

"I guess marunong ka pa namang gumamit ng computer?" Nagbibirong sabi nito. Umiling si Athos.

"Uh, yeah..."

Tumawa si Cynthia at tiningnan ang ilang kasama niya. Huminga ito ng malalim at pormal na nagsalita.

"You can go home for now. Utos ni General na magpahinga kayo ng one week before proceeding to this assignment. I bet, you and your families missed each other."

Nilagay ni Athos ang flashdrive sa kanyang bulsa at sinakbat na muli ang bag. Nauna siyang lumabas na agad namang sinundan ng mga kasamahan. May kani-kanilang sundo ang mga ito sa labas. Nagyakapan sa kanilang mga pamilya habang siya mag-isang nakatayo doon.

Natigil ang kanyang pagmamasid ng tumigil ang isang puting SUV sa kanyang harapan at nagbaba ng bintana.

"Sir Prescott, ihahatid ko na po kayo sa mansyon." The familiar old driver said. Tumango siya at binuksan ang likurang bahagi.

Nang maisara niya ang pintuan ay agad niyang sinandak ang ulo sa malambot na upuan at pumikit. He really missed this feeling. Kumportableng upo sa malambot na upuan. Minulat na ulkt niya ang mga mata at pinagmasdan ang matatayog na skyscraper na nadadaanan, Kinapa niya ang bulsa at naramdaman doon ang USB maging ang kwintas.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now