Kabanata 27

1.9K 99 11
                                    

Kabanata 27

Samuela Montecillo was a good woman. Galing man sa hindi mayaman na pamilya, pero hindi maitatanggi ang katalinuhan nito. She's an aspiring attorney.

She's on her third year pol-sci student in college when she met, Bruno Leoncio, the leader of an activist group in their university.

They instantly fell in love. She admired his bravery and wits. Maganda ang hangarin ng bawat pinaglalaban. Bilang nagmamahal sa inang bayan, nahikayat siyang sumali roon.

Nalaman niya na kasapi ng isang organisasyon sa itaas ng bundok ang kanyang nobyo. Isa itong samahan na ang nais ay magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang lahat sa bansa.

They were good people. Parami ng parami ang mga kasapi noon. Bruno wanted to be the leader someday. Sinuportahan niya ito ng buong puso.

Hindi tanggap ng mga Montecillo ang lalaking ito. Walang permanenteng trabaho ang mga magulang ni Bruno kundi mamasukan sa ilang mayayaman sa ibaba ng bundok.

Kaya naman nang yayain siya ni Bruno na magtanan, ay walang isip nitong sinunod ang hiling.

Tumigil siya sa pag-aaral at sumama sa itaas ng bundok. Masaya ang unang dalawang taong pagsasama nila. At sa ikatlong taon ay biniyayaan ng supling. Si Samara Leoncio.

Seven years on the mountains, natatandaan pa ni Samara ang ilang alaala doon. Minana ni Bruno, ang pamamahala sa samahan. Her father turned from good to bad. Masyadong kinain ng ambisyon na maiahon ang samahan.

Natutong magnakaw ang mga kasapi sa bayan para mas matustusan ang pagbili ng mga armas. May ilang gumagawa ng ilegal at nagtatanim ng marijuana para pagkakitaan.

Kada buwan, bulto-bultong armas at sasakyan ang nadadagdag sa ari-arian ng samahan.

Natatandaan niya rin kung ilang beses na pinagbuhatan ng kamay ni Bruno ang kanyang ina sa tuwing sinusubukan nitong pigilan ang asawa sa paggawa ng masama.

Hanggang isang araw, nakita na niya ang sarili na nakasakay sa magarang sasakyan, pababa na ng bundok. Isang malaking mansyon na ang sumalubong sa kanilang tatlo.

Nagkaroon siya ng sarili at kumportableng kwarto. Umayos na rin ang pamumuhay nila. Dose anyos na siya ngayon, may muwang na sa lahat ng anomalyang ginagawa ng ama.

Naalimpungatan siya sa malalakas na kalabog at sigawan mula sa kwarto ng kanyang ina at ama.

"Hindi ko gusto ang ganitong buhay, Bruno! Ang dami dami nang namamatay sa mga hangarin mo!" Sigaw ng kanyang ina.

Sumandal si Samara sa malamig na pintuan ng kwarto para mas marinig ang sasabihin.

May nabasag sa loob kaya mas mahigpit ang hawak niya sa kanyang damit. Umiyak ang kanyang ina.

"Samuela! Maghunos dili ka hanggang nakakapagtimpi pa ako." Banta ng kanyang ama.

Nabasag ulit ang isang gamit sa loob ng kwarto.

"Hindi ko na masikmurang palakihin sa ganito si Samara. Hindi ko kayang masanay siya na araw araw na lang may bumubulagtang tauhan sa harap niya." pagmamatigas ni Samuela.

Battle Scars (Querio Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon