Kabanata 5

2.3K 89 6
                                    

Nakaupo si Samuela ngayon sa loob ng kanyang bahay at nagbabasa ng mga kaso na hawak niya. Hindi niya pinapansin ang galit na galit na kasintahan.

"I saw you together kanina sa restaurant na 'yon at kumakain. And now you tell me walang namamagitan sa inyo ng sundalong iyon?" Ani Stephen, di mapakali sa nakita niya.

Huminga ng malalim si Samuela at hinubad ang kanyang salamin. Masakit ang ulo niya sa binabasa at dumadagdag pa itong si Stephen.

"How many times do I have to tell you, Stephen? He's consulting something to me about the law." Samuela explained and read the cases again.

"Sam! You cannot fool me. Sundalo iyon, alagad ng batas! For sure there are other attorneys in his office!" Stephen shouted.

Umirap si Samule at niligpit ang mga papel. Ito na yon. Sigurado siyang hindi matatapos  ito kung hindi aalis si Stephen sa unit niya.

Tumayo siya at tiningnan ang binata. Walang lakas na umupo si Stephen sa couch at hinilamos ang mga palad sa kanyang mukha. Umupo si Samuela sa kamay niya.

"Come on, Stephen. Do not be upset by this. I told you there's nothing going on between us. He's just asking me. I can't turn my back on him. He's my brother's friend." Samuela tried to explain again. This time, mas mahinahon.

Tiningnan niya si Stephen. Kaibigan niya ito noon pa mang college bago niya naging boyfriend. Sometimes, he's too jealous but Samuela appreciated it.

"What is he consulting about?" Tanong niya.

Tumikhim si Samuela. She cannot tell him at all cost. Nangako siya sa binata. This is national interest.

"It's about something. Too confidential, Steph. I cannot tell you."

"Oh, God. Yeah..."

Sumandal si Stephen sa couch at huminga ng malalim. He looked tired. Galing pa ito sa hearing at dumiretso agad dito para linawin ang mga nakita niya sa restaurant.

"You should go home, Stephen. We are both tired. I will see you at the morning?" Samuela said.

Nagmulat ng mata si Stephen at tumingin muli kay Samuela. He bit his lips.

"'Yan. You tell me there's nothing wrong but you won't even let me stay here. I am your boyfriend, Sam. I am not just your friend. You make me think crazy things."

Hindi niya maiwasang tumaas ang kilay.

"What do you mean by crazy things, Stephen?"

Kinuha ni Stephen ang kanyang atache case at tumingin kay Samuela. Yumuko siya para halikan ang tuktok ng kanyang ulo.

"I am going home, Sam. I am tired, I wanna rest."

Mabilis niyang sinara ang pintuan. Naiwan si Samuela doon na nagtataka. Crazy things?

Tumayo na din siya para mag-ayos ng sarili. Naghilamos at toothbrush siya bago humiga sa kama. Nakatitig lang siya sa kisame.

Today's too much. She knew that Gener Reyes is cheating with Delilah's bestfriend, She knew about this so called, Flower of Death, she stole an invitation...

Parang natauhan siya doon at tumayo para kunin ang atache case niya. Kinuha niya ang invitation at binasa iyon.

She should get a dress for the event. Sinigurado niya na siya ang may hawak ng invitation para hindi na magdalawang isip pa si Athos na isama siya.

She knew that Major Athos isn't comfortable with the thought of her in this investigation. So, she will make sure that in every step, she's there.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now