Kabanata 35

2.3K 100 15
                                    

The names of places are purely coincidental and a work of fiction. Thank you.

Kabanata 35

Iyon ang kagandahan kapag patay ka na. Tahimik siyang naka-ikot sa buong mall. Ni wala atang nakakaalala sa kanya. Hindi na rin siya kinakabahan kasi nakita na naman siya ni Athos at ni Gregory pero hindi naman siya kinulong. Medyo magulo pero ipinagpapasalamat niya iyon.

Naglibot siya para maalis ang mga galit niya sa mga ito. Bumili rin siya ng mga bagong snacks para kay Natalia.

Nasa isnag pambatang aisle siya sa grocery. She was busy computing her money when she saw Athos' Querio scanning the area. Tumigil ito nang magtama ang mata nila.

Tumaas ang kilay niya at binalik sa isang pares ng pambatang vitamins ang tingin niya.

"You're here." Athos greeted.

Tumabi ito sa kanya. Tiningnan nito ang nilagay ni Samuela na vitamins at mga snacks sa cart.

Samuela's pissed. Bakit ba sumusulpot ito kung nasaan siya?

"Obvious ba?" masungit niyang sinagot.

Hanggang ngayon, naaalala niya pa ang paghila ng bruhang iyon sa buhok niya. Automatic naman na kumukulo ang kanyang dugo doon.

Tumaas din ang kilay ni Athos. Tinulak niya ang cart para mamili pa ng ibang pagkain para sa penthouse na bibilihin niya.

"That's for your kid?" he asked.

Bahagyang kinabahan si Samuela doon. Ngayon lang niya napagtanto na nasa tabi niya ang sundalo at puro para kay Natalia ang laman ng cart.

Saglit niyang nakalimutan iyo dahil sa pagkainis niya sa sundalo.

"You checked my background this time?" she asked, hiding her nervousness.

Kinagat ni Athos ang kanyang bibig.

"Yes. The thing I failed to do two years ago." he clenched his jaw and looked at her.

"You have a two year old daughter with your husband." he said like it's a fact.

Tumango si Samuela.

'Right! Everyone thinks she's Polo's. Wait 'till you see your daughter's face.' she commented on her mind.

Bumaba din ang tingin niya sa cart ni Athos. May ilang candy bars doon at isang kahong chuckie. May ilang toiletries na din doon.

"Ikaw? May anak ka na?" tanong niya pabalik.

He's too rough to drink chuckie and eat candy bars!

Mukhang nakuha iyon ni Athos at tiningnan din ang laman ng kanyang cart. Tumaas ang kilay niya at umiling.

"It's for Vicci." he answered. Tumalikod na ito sa kanya para lumipat sa ibang aisle.

Mukhang hindi siya ang pakay kaya naman umalis na rin siya para pumunta sa vegetable section.

Balak niyang magluto ng paborito ni Polo bilang appreciation sa lahat ng ginagawa nito para sa kanilang mag-ina. Naglakad siya papunta sa mga repolyo ng makita ang namimili na si Athos doon. May hawak din itong repolyo at sinusuring maiigi.

Battle Scars (Querio Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon