Kabanata 25

1.9K 96 6
                                    

Kabanata 25

She never drove a motorcycle this fast in her whole life. Panay ang tingin niya sa side mirror kung may alipores na namang sumusunod sa kanya.

Sabi ni Uno, naroon ang kapatid ni Athos sa hospital at nag-aagaw buhay. Malapit nang magtanghali at nakakapaso na ang init sa motorsiklo pero hindi siya nagpatalo roon.

Dumiretso siya sa hospital. Sa labas noon ay may iilang media at mga militar. Napamura siya dahil kailangan niya iyong malampasan bago siya makapasok.

She need to talk to him. Kailangan niyang malaman ang totoo mula sa kanya at hindi sa mga papel na binigay ni Uno.

An ambulance came. Ilang medics ang naroon sa loob at binaba ang isang pasyente.

Nanginginig siyang lumapit doon. Tinutulak na ito.

"I am her relative. Anong nangyari?" Tanong niya sa isang medic.

Tumingin ito sa kanya saglit. Tumulong siya sa pagtutulak sa hospital bed at yumuko.

"Nawalan po iyan ng malay sa may bayan. Paano niyo po nakilala, ma'am?" Tanont ng nurse na nagtataka.

Namutla siya at kinagat ang labi. Desperadi na siyang makapasok sa hospital.

"Magtatagpo sana kami sa bayan. Sinabi ng mga taga-doon na may dinala nga sa hospital kaya pumunta ako." She reasoned out.

Kita niya sa gilid ng kanyang paningin, ang paghawi ng ilang militar sa mga media para  makapasok sila sa emergency room.

Naiwan siya sa loob at nasabihang maghintay. Kinuha niya iyong pagkakataon para pumunta sa ward. But on the way there, nakita niyang madaming militar ang nasa lobby at malapit sa ward.

"Fuck." Mura niya at binuksan ang janitor room na malapit.

Kinuha niya ang isang over-all na uniporme ng maintenance at sinuot ito. Kumuha na din siya ng mop at lumabas.

"Hoy! Doon ka maglinis sa third floor." Sigaw nung isa pa.

Hindi siya nag-angat ng tingin at tumango. Umakyat siya sa third floor at nagkunwaring nagmamop. Panay ang lingon niya dahil sa bawat palapag ata ay may mga rumorondang militar.

She nervously scan the hallway nang lumiko doon si Gregory. Kunot ang noo nito na inaalalayan ng isang sundalo. May gasa ang likurang ulo niya.

She turned her back to him. Pumasok ito sa isang kwarto. Huminga siya ng malalim at nilampasan ang kwarto.

That's a private VIP room. Siguro'y nandodoon na si Althea. Pipohitin niya sana iyon para silipin ng may magsalita sa likuran niya.

"Ate, huwag ka maglinis diyan. VIP room yan at may pasyente pa." Bilin ng nurse at pumasok roon dala ang isang cart na may mga kagamitan.

Sinilip niya ang pintuan at nakitang may ilang lalaki ang naroon at natalikod sa kanya. She saw Athos moving to help the nurse to inject some painkiller to her IV.

Kinuha niya ang mga gamit at umalis doon. He will not go out anytime soon. Kailangan niya na maghintay para makausap si Athos.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now