Kabanata 14

2K 94 12
                                    

Kabanata 14

Tahimik silang bumalik ng sundalo sa sasakyan. Magkahawak kamay pa din sila. Binuksan ni Athos ang kanyang pintuan. Hindi na siya nagreklamo at sumakay na lang. Nang mahawakan niya ang seatbelt, inagaw ito ng binata at siya na ang nagkabit.

Hindi siya makahinga sa sobrang lapit ng mukha ng binata sa kanya. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi.

Pinagmasdan niya ang magkasalubong na kilay ng binata at ang maigting na panga nito. Talagang wala ito sa mood ngayon.

"You lost your cool, Major." She said.

Umikot naman ang binata papunta sa driver seat ng walang imik. Umupo ito at kinabit ang kanyang seatbelt.

"I'm sorry, I know I was out of line." He answered and manuevered the car.

Hindi na nagsalita pa si Samuela. Dumiretso sila sa opisina ng sundalo. Sinalubong sila ni Froilan at Xed. Sumaludo ito kay Athos at tinuro ang loob.

"Nasa interrogation pa din, Major. Mukhang ayaw magsalita eh." Ani Froilan.

Tumango si Athos.

"Pupuntahan namin ngayon ni Attorney Montecillo." Aniya at pumasok na.

Tumigil sila sa dulo ng pasilyo kung saan naroon ang dalawang pintuan. Pumasok sila sa isa at nakita ang ilang militar na kinakausap ang lalaki kanina.

Nanonood lamang sila sa isang malaking bintana. Seryoso niyang pinagmasdan ang lalaki. Blangko ang mukha nito at ngumingisi lamang sa tuwing may itatanong sa kanya.

Tumikhim si Athos at nagsalita sa intercom.

"Fritz, let me." Aniya at tumango ang lalaking naroon. Lumabas sila sa silid.

Tiningnan ni Samuela si Athos na naghahanda ng pumasok. Sumunod siya rito.

"Sasama ako sa loob, Major." Hiling niya. Nilingon siya ng sundalo at umiling.

"Huwag na. Makinig ka na lamang dito. Baka maging bayolente ang suspek." Paliwanag niya.

Tumaas ang kilay ni Samuela sa binata. Sumubok ito na tumuloy pero hinawakan din agad ng dalaga sa braso kaya natigilan.

"Akala ko ba ay partners tayo, Major?" Sarcastic iyon.

"We are, Attorney." Hinga ng sundalo, tila alam lung saan tutungo ito.

"Kung ganoon, hayaan mo akong samahan ka. Saka isa pa, baka magsalita iyon kung naroon ako." Aniya at nilingon ang pintuan.

"Let's just say, I will be his representative sa korte kapag nagsalita siya. We'll negotiate with him, Major."

Huminga ng malalim si Major. Tama si Samuela. Any criminal that will be represented by her will be thrilled. Hindi man alam ng dalaga, pero matunog ang pangalan nito ngayon sa mga mahuhusay na abogado.

Tinanguan ni Athos si Xed na may hawak na ngayong envelope. Iniabot ito sa kanya nang buksan niya ang pintuan.

Pumasok na rin si Samuela. Sinalubong siya ng napakalungkot na aura. Alam na niya ito at ilang beses na siyang napadpad rito.

Tanging ang mesa at mga upuan, habang may mga CCTV sa bawat sulok ng silid. Umupo siya sa tabihan ng sundalo.

Tinitigan niya sa mata ang lalaki. Hindi ito natinag bagkus ay nagpakita ng isang ngisi na nakakapagpanindig ng balahibo.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now