Kabanata 22

1.9K 92 25
                                    

Kabanata 22

Hindi muna pumasok sa trabaho si Samuela dahil sa kahiligan na din ni Athos. Mag-isa siya ngayon sa apartment at nanonood ng TV para malibang ng bumukas ang pintuan.

Nakangiting sumilip doon ang isang babae na nakauniporme na kulay pink. Pinakita nito ang ilang paper bag na dala.

"Magandang umaga, Ma'am. Si helper po ito. Magluluto po ako ng tanghalian niyo."

Pinagmasdan ni Samuela ang helper. Mas bata ito ng ilang taon kung titingnan at palaging nakangiti.

Hindi ito palaayos. Ang katawan ay payat at hindi gaanong malapit sa tipo ni Athos base sa kanyang mga girlfriend noon.

Tumungo na ito sa kusina kaya sinundan niya ito. Nilalabas nito sa paper bag ang mga gulay at nirestock ang kanilang fridge. Sinulyapa siya nito at muling ngumiti.

"You're Arizona, right?" Tanong niya at kinuha iyong isang orange mula sa grocery.

Tumango ang helper at nagpatuloy sa gagawin. Napansin ata ang paninitig na ginagawa niya.

"Maganda ka pala, Ma'am. Dati kasi nung pumupunta ako dito, boses mo lang naririnig ko eh. Nice meeting you..."

Ngumisi si Samuela. She's very pure and jolly.

"Ano pong lulutuin ko, Ma'am. Sabi kasi ni Sir sa text ay sinigang na hipon pero baka gusto niyo magrequest?" Tawa niya.

Bahagyang ngumuso si Samuela. Nagtetext si Athos dito? Hindi ito ang oras magselos pero may narealize siya.

They don't even text. Parte iyon ng nga normal na magboyfriend at nakakamangha na simula noon, hindi sila masyadong nagtetext ng mga bagay bagay. Siguro ay dahil magkasama sila sa bahay?

"Ma'am?" Tanong ni Arizona.

"Ah! Iyon na lang. Puwede ba akong tumulong?" Tanong niya.

Nangangapang tumango ang helper.

"Marunong ka ba, Ma'am? Babalatan niyo iyan?" Anito ng kunin niya ang kutsilyo.

Tumaas ang kilay niya.

"Oo. Marunong ako. Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako mayaman gaya ng Sir mo."

Ngumuso si Arizona at nagkibit balikat.

"Pasensya na, Ma'am. Ang puti puti at kinis mo kasi akala ko anak mayaman ka din." Hinanda niya ang kaldero.

"Mahirap kayo, Ma'am? Ako kasi sa probinsya namin sa Marinduque, sobrang hirap na hirap eh. Mabuti na nga lang nakilala ko 'yung pinsan nina Ma'am Felicity kaya natulungan akong makaluwas sa Manila at magkatrabaho."

"You're from the province, Arizona?"

"Ay opo! Saka ma'am, Ari na lang. Huwag Arizona. Tunog amazona daw kasi, eh."

Natawa si Samuela doon. The girl's mouth is unstoppable. Masyadong taklesa pero hindi naman nakakaoffend.

Tinulungan niya ito at pinanood na lutuin ang tanghalian. Nagsaing din ito at naghanda sa mesa.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now