Kabanata 4

2.5K 97 3
                                    

Kabanata 4

Sumakay si Samuela at mabilis na sinara ang pintuan.

Huminga ng malalim si Athos. May ngisi naman sa kanyang labi si Samuela, tila nagugustuhan ang pagkasali niya sa imbestigasyon.

"Is it okay for you to go with me? You can just tell me where to go." Ani Athos.

Tumaas ang kilay ni Samuela at kinabit ang seat belt niya.

"There's no other way to find out, Major. Wala nang pamilya si Delilah. And this is my condition."

Umiling si Athos at agad na pinaandar ang sasakyan. Tahimik ang sasakyan. Tanging mga buntong hininga lang nila ang maririnig.

Ilang sandali pa ay tinatanaw na nila ang malawak na kulungan. Agad silang dinala sa visiting area.

"Gaano na siya katagal rito?" Tanong ni Athos, tinatanaw ang kabilang table kung saan masayang kumakain ang isang matandang preso kasama ang kanyang pamilya.

"One year. Kinasuhan siya ni Delilah ng frustrated murder. She lost their baby, next evening, narinig niyang pinapalason siya nito sa kasambahay." She answered.

Kumunot ang noo ni Athos sa narining. He seems like a troubled man.

Sampung minuto ay bumungad ang dalawang pulis na dala dala ang lalaking balbas sarado at galit na galit na nakatingin kay Samuela.

"

Reyes, dito ka lang." Utos ng pulis at pinaupo siya sa harapan ng dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?" Galit na tanong nito.

"Calm down, Mr. Reyes. Nandito ako para sabihin sa'yo ang balita... your wife is dead."

Tumahimik ito sandali at tumawa.

"She deserves it, Attorney. I am not even surprise na hindi lang ako ang galit kay Delilah." He laughed.

"You fucking piece of shit." Samuela muttered under her breath.

Ngumisi na para bang ayos lang iyon sa kanya, bumaling ito sa binata na pinapanood lang siya.

"At ikaw? Sino ka?"

Tumikhim si Athos at naglahad ng kamay.

"I am Major Athos Querio. I am here to ask you some questions about your wife."

Umiling si Mr. Reyes at tumayo na para bang hindi siya makapaniwala.

"Attorney, nagsama ka pa talaga ng opisyal rito. Hindi ko akalain na ilalabas niyo ko sa selda ko para sayangin ang oras ko. Tapos na ako, dito." Aniya.

Lumapit ang dalawang pulis ng magsalita si Samuela.

"Gener, if I were you, I won't go back to my prison cell right now. You'll regret it." Samuela warned him.

Athos observed how he stopped on his tracks. Nilingon nito ang babaeng attorney na halos ay hindi na makilala ni Athos.

It is like Samuela has something to say.

"Your step brother is taking over all the inheritance that must be for you. Are you sure you want to go inside?"

She smirked and motioned him to sit. Walang nagawa si Gener kung hindi ang maupo. Bakas sa mukha nito ang pagkaseryoso.

Battle Scars (Querio Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon