Kabanata 8

2.3K 87 12
                                    

Kabanata 8

Madaling araw pa lang ay nagising si Samuela. Hindi rin siya makatulog kahit na pagod siya. Napansin niyang nakakumot na siya ngayon, siguro ay kinumutan siya ni Athos.

Tumayo siya at lumabas ng kwarto ng binata. Dim na ang mga ilaw sa opisina. Sarado man ang pintuan, kita niya mula sa siwang ang liwanag na galing sa opisina ng sundalo.

Alas tres na ng umaga. Gising pa din ito? Umiling siya at nagtimpla ng dalawang tasang kape mula sa pantry.

Binuksan niya ang opisina. Nakita niya doon si Major na nakaharap sa kanyang computer. Nakasuot ito ng headset at mariing nakatitig sa mga videos at pictures na naroon. Ni hindi man lang nag-aatubiling tingnan siya. Tumikhim siya kaya naman napalingon na ito.

"Kanina ka pa?" Tanong ng binata at mabilis na sinarado ang folder na iyon. Tinagtag din nito ang headset.

Kung hindi siya nagkakamali, mga pictures  iyon ni Major at Cynthia.

Umiling siya at nilapag ang isang tasa sa harap ni Major.

"I can't sleep. Uuwi na din ako pagkainom ko. I have to be at the office before seven." Sagot niya.

Ngumuso ang binata at ininom ang kape. Napansin niya ng alas tres pasado na nga. Hindi niya namalayan ang pagtakbo ng oras dahil sa panonood sa mga lumang videos nila ng dalaga.

"Ihahatid kita." Ani Athos.

Tumango si Samuela. Tahimik silang umiinom ng kape. Maririnig ang paggalaw ng kamay ng orasan sa opisina sa sobrang tahimik.

"You like her."

Hindi maiwasang kumpirmahin ni Samuela.

Umiling si Athos ngunit di rin naman nagsalita ng pagtanggi.

"Are you really this nosy?" Tanong na lang niya sa dalaga.

"Sorry. Old habits die hard." Anang dalaga.

Ngumiti ng bahagya si Athos. Hindi naman mapigilan ni Samuela ang pagngisi nito.

"Yeah. Kinda." Iyon ang sagot ni Athos.

Binaba niya ang hawak na mug at sumandal na sa kanyang upuan at tumingala.

"Then, why don't you tell her?" Tanong niya sa binata habang pinapalamig ang kanyang kape.

Nagmulat ng mata si Athos at tumingin ng diretso sa abogada. Kinagat niya ang labi niya.

Yeah. He wished it is that simple.

"I can't."

Ngumuso si Samuela.

"I never thought that you are like this. I always pictured you as a  straightforward person. But I guess, you also experienced episodes of being torpe just like other men."

Torpe? Ganoon nga ba siya? Inisip niya ang mga nangyari. Wala pa man ang fiance ni Cynthia noon ay hindi niya pa din masabi sa dalaga. At noong nagkalakas naman siya ng loob, saka niya nalaman na may nobyo na ito.

At ngayon... hindi na maaari. Malapit ng ikasal ang babaeng palihim niyang minahal.

"Hindi ko alam kung bakit ito ang pinag-uusapan natin, Attorney. You should drink your coffee and I will drop you home."

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now