Kabanata 9

2.3K 85 14
                                    

Kabanata 9

Kanina pang umiikot si Samuela sa kama. Anim na oras na simula ng sapilitan siyang sunduin ni Athos.

Kagaya ng sabi nito, organizado lahat ng gamit niya sa kwartong ito kung saan siya tutuloy.

Huminga siya ng malalim at tumitig sa kisame. Hindi siya mapakali. Kailangan ay matulog na siya para sa trabaho pero hindi niya magawang kumportable ang sarili sa kama.

Bumangon na lamang siya at kinuha ang makakapal na kasong hawak niya ngayon. Lumabas siya ng kwarto at umupo sa dining table.

Wala si Athos ngayon dahil kinailangan niyang pumunta sa hospital para magbigay ng update sa pamilya ni Cynthia.

Nagsalin siya ng tsaa sa tasa at tinali ng lapis ang kanyang buhok. Gagamitin na lamang niya ang oras sa pag-aaral ng nga ito.

Tahimik at napakakalmado ng condo unit ng sundalo. Malinis, dalawa ang kwarto at tila napakaganda nito sa kulay na itim at gray.

Nagfocus na lang siya sa binabasa ng bumukas ang pintuan ng unit. Pumasok doon ang pagod na sundalo.

Ngumiti ito ng tipid at kumuha ng tubig sa fridge.

"What are you doing?" Tanong nito.

"Reading." Sagot niya.

Kinagat ni Athos ang labi niya.

Right. Bakit niya ba itinanong pa iyon?

Lumapit siya sa abogada na bumalik na muli sa pagtingin sa apat na makakapal na folder.

"I heard you're a great attorney."

Tumaas ang kilay ni Samuela.

Is he initiating a small talk now?

"Where did you hear?" Tanong niya at humigop sa tsaa.

"Judge Victor de la Vega? He's the father of a co-soldier."

She sighed. Yeah, Judge Victor. Her professor. He always praised her in class. Kaya nagkakaroon ng chismis noon na teacher's pet siya. The reason why she never had constant friends in law school.

Just Stephen...

'Wait... How will Stephen accept the fact that we are living together? Fuck!' She thought.

Napapikit siya at hinilot ang kanyang sentido.

"Are you okay?" Tanong ni Athos ng mapansin iyon.

"I don't know. I don't want to be here in the first place." She honestly said.

Tumango si Athos at dahan-dahang binaba ang hawak na baso at umupo sa harapan ni Samuela.

Hindi niya maiwasang titigan ang dalaga. Magulo ang buhok nito na tinali lang gamit ang lapis at nakasuot ng pambahay pero hindi maipakakaila ang kagandahan nito.

"I am so sorry, Sam. But this is the only way I can protect you. I promised Serge. I can't break that promise. You can hate me any time you want but I will never let you leave until it's safe. You are like a sister to me."

Samuela sighed.

"I have a boyfriend, Athos. Don't you think about what others will say about this set up? You know Stephen. Mas lalo lang kayong magkakainitan. I hate conflicts." Pag-amin niya.

Tumango si Athos. Hindi niya naisip yun. Pero ngayon, sinisigurado niyang handa siyang humingi ng permiso kay Stephen. Kung kailangan na siya ang magpakumbaba ay gagawin niya. He can't leave Samuela alone. Lalo na sa bantang natanggap niya.

Battle Scars (Querio Series #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora