Kabanata 17

2.1K 109 6
                                    

Kabanata 17

Isang linggo na muli ang lumipas. Araw-araw ay hinahatid at sundo siya ni Major. Nag-improve na rin ang kanilang pagsasama. They don't argue anymore.

Naglalakad ngayon si Samuela sa lobby para kuhanin ang ilang files kay Jessa. Napansin niyang seryoso si Gregory na nakamasid sa kanya.

Tumaas ang kilay niya at lumapit dito. Tumagilid ang ulo nito at unti-unting ngumisi.

"May problema ba, Samuela?" Tanong nito.

"I think something's wrong with your cousin... he's getting friendlier with me everyday." She said.

Hindi na matiis ni Samuela iyon. Araw-araw siyang binabagabag noon. Hindi naman sa ayaw niya ng ganoon... pero unti-unti na kasi siyang umaasa.

Tumawa si Gregory at hinilot ang kanyang sentido.

"Akala ko naman kung ano na. Tsk." Iling nito.

"He smiles everyday. And I think I am going crazy." She said.

"Ayaw mo ba noon? Kumportable na siya sa'yo. We don't even know baka may gusto na 'yon sa'yo."

Natigilan si Samuela. Ganito na naman si Gregory at nagpapasok na naman ng mga ideya sa isipan niya.

"Stop bullshitting me, Gregory. You always give me these crazy ideas." Irap niya.

"That's what are friends for, Attorney." He murmured.

Umirap si Samuela at tinaas ang kanyang kamay para ipakita ang kanyang dirty finger. Mas lalong humalakhak si Gregory doon.

Nagtrabaho si Samuela hanggang lunch. Kumatok sa pintuan niya si Jessa na ngayon ay may apologetic na ngiti.

"Hi, Attorney... baka po gusto niyo daw sumama sa blow-out ni Ma'am Ana. May kaunting salu-salo sa right wing." Ani Jessa.

Tumigil si Samuela.

"Sinu-sino ang naroon, Jessa?" Tanong niya.

"Lahat po. Bilin kasi 'yon ni Ms. Ana sa group chat. Even Attorney Stephen will be there. Ininvite na nga din po 'yung guards niyo pero kayo daw po tanungin sabi ni Gregory."

"Ah... Okay. I will be there in a minute. Mauna ka na." She said and combed her hair.

Umalis na din si Jessa. Pagkalabas niya ay sinenyasan niya ang mga bantay niya. Kung inimbita sila, marapat lamang na pumunta sila doon kahit hindi niya masyadong kakilala ang may kaarawan.

Tahimik silang tumungo sa right wing. Pagbukas niya ng pintuan sa opisina ng hr ay nagtinginan sa kanya ang lahat. Tipid siyang ngumiti at lumapit kay Ana.

"Happy Birthday, Ana... pasensya ka na. Hindi ko alam na birthday mo pala. Sana ay nagdala ako ng cake." Aniya.

Umiling si Ana at tinuro ang buffet na sinet-up doon.

"Sus! Huwag ka na pong mag-abala, Ma'am. Bumili na po si Sir Stephen ng cake kanina."

Hindi napigilan ni Samuela na tumingin kay Stephen na ngayon ay nag-iwas ng tingin sa kanya at bumaling sa katabi na si Rachel.

Battle Scars (Querio Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon