Kabanata 38

2.4K 112 26
                                    

Kabanata 38

They both cried. Namumula ang mga mata ni Athos. Samuela cleared her throat. Tumayo si Athos at tumungo sa isang sasakyan na naroon sa hindi kalayuan.

May kinuha ito at bumalik sa bench dala-dala ang isang bote ng tubig. Iniabot nito iyon sa kanya.

Samuela accepted and drank it. Pakiramdam niya, madedehydrate na siya sa lahat ng iniyak niya.

Her phone beeped. Tiningnan niya ang mensahe ni Polo doon.

Polo: Are you done? Natalia's looking for you.  The program just ended.

Nagtipa si Sam ng reply doon. She wants to introduce Natalia to her father.

Samuela: Bring her here, Polo.

Nilingon niya si Athos Querio na nakatingin sa kamay niyang nagcecellphone. Binaba niya ang cellphone at tumikhim.

"Natalia will be here in a minute. She's not aware of what's happening." she said.

Tumango si Athos.

"I hope she won't know. This may cause trauma for her." he said.

Makalipas ang ilang saglit, nakita niya si Polo na akay-akay si Natalia. Kumaway si Nat at tumalon talon pa.

Samuela smiled. Hinayaan niyang makalapit ang anak.

"Sam, I'm needed at work. You can stay here. Iuuwi ko na din muna si Ate Ningning." marahang sabi ni Polo.

Nilingon pa nito ang nakatayong sundalo na panay ang tingin sa kanila. Samuela smiled at him. Nagpapasalamat sa suportang binibigay nito.

"Thanks, Polo. I will text you later. Mag-iingat ka." she kissed his cheek.

Tumango si Polo at hinalikan sa pisngi si Natalia. Ngumiti ito at kumaway papaalis.

"Bye, Papa Ninong!" sigaw ni Natalia.

Huminga ng malalim si Athos habang nakatitig kay Natalia. Muli, ay kinabahan si Samuela doon.

Sila na lang tatlo ang naiwan. Kinarga ni Samuela ang anak at umupo sa bench. Ganoon din ang ginawa ni Athos, hindi man lang naaalis ang titig sa anak.

"Nat," she called for the attentioj of her daughter. Maliit ang tango ni Natalia na hirap siya.

Namumuo ang emosyon niya. She cannot speak clearly. Mukhang maiiyak na naman siya sa tagpong ito.

"T-This is your Papa." sabi ni Samuela.

Tiningnan ni Natalia ang sundalo sa kanyang tabihan. Nangingilid na din ang luha nito sa pinipigilang emosyon.

Nakanguso si Natalia na para bang sinasaulo niya ang mukha ng kanyang ama.

"I'm your Papa. You're mine." he whispered.

Hinawakan ni Athos ang maliliit na palad ni Natalia at hinalikan iyon ng marahan. Bakas ang labis na pangungulila sa kanya.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now