Kabanata 10

2.1K 81 2
                                    

Kabanata 10

Isang linggo ng nasa loob lang ng condo ni Athos si Samuela. Hanggang ngayon, hindi pa din niya makalimutan ang bangkay ni Attorney Bustamante na bumulagta sa office niya.

Hindi rin siya pinilit ni Athos na lumabas sa kwarto. Panay lang ang padala nito ng pagkain sa hinire nitong helper na pumupunta lang sa tuwing magluluto ito.

Huminga siya ng malalim at bumangon na. Binuksan niya ang kurtina at bumungad ang matingkad na sinag ng araw.

Unti-unti niyang sinilip ang maliit na orasan sa dingding. Alas dose na.

Agad siyang naligo at lumabas. Nakita niya ang hinire ni Athos na helper. Matanda na ito at mukhang hindi siya napapansin.

Tahimik siyang naglakad papunta sa pintuan ng condo at tahimik na pinihit ito. Sinilip niya ang labas. Walang tao. Ni bakas ni Pong at Tyler ay wala rin.

Dahan dahan niyang sinara ang pintuan qt sinuot ang kanyang sumbrero. Ilang gabi na siyang di mapakali. Para bang hinahabol siya ng pagkamatay ni Attorney Bustamante.

Kailangan niya ng sagot. Kailangan niyang malaman kung ano ang nais nitong sabihin bago ito patayin.

Pinihit niya ang elevator papunta sa basement. Hindi niya ginamit ang motor niyang naroon sa takot na kilala na ng organisasyon ang motor na iyon.

Kailangan niyang matiyak ang kaligtasan niya sa panahong ito. Mabilis siyang pumara ng bus papunta sa eskwelahan niya noon.

Mabilis ang lakad niya papunta sa library ng school.

Naroon pa rin ang pamilyar na librarian sa tuwing halos doon na siya tumira sa pagdidigest ng mga cases noon. Ngumiti siya ng tipid dito.

"Oh! Sam, anong meron at napadalaw ang bigtime na attorney rito?"

"May mga babasahin lang na libro para sa kaso ko. Nagbabakasakali lang, Mrs. Castro." Aniya.

"Oh? Siya sige at alam mo na naman ang pasikot sikot dito." Anang matanda dahil may mga estudyante nang dumating para magfill up.

Tumungo siya kung nasaan nakadisplay ang kanilang mga yearbook. Mabilis niyang iniscan ang yearbook sa taong gumraduate siya.

Umupo siya sa pinakamalapit na upuan. Nahigit niya ang kanyang ngisi ng makita doon qng pangalang Adolf Bustamante. Malaki angga ngisi nito sa camera.

Kinuha niya ang isang maliit na papel at isinulat ang address na naroon. Doon soya magsisimula para matunton ang asawa at anak nito. May kailangan siyang malaman.

Natigilan siya sa tawag mula kay Athos. Sa oras na ito, alam na ng binata na nawawala siya.

Ibinalik niya ang libro at nagpaalam na. Muling tumunog ang kanyang cellphone kaya pinatay niya iyon at tinapon sa basurahan. Alam niyang may koneksyon ang binata at kaya siya nitong ipa-track.

Pumara siya ng taxi at agad na pinapunta iyon sa adress ng abogado. Tahimik siyang nagoobserba sa kanyang paligid dahil kung meron man na ipinadala ang Flower of Death para manmanan siya at patayin ay wala na siyang laban.

Hindi niya nadala ang kanyang baril.

At mas lalong hindi dahil hindi niya kasama si Athos...

Isang oras ang ginugol niya para makita ang bahay nito. Tiningnan niya ang dalawang matandang nakaupo sa balkonahe ng bahay. Ito marahil ang magulang ng yumaong abogado.

Tahimik niyang pinindot ang doorbell. Ilang saglit pa ay bumukas ang pintuan at niluwa noon ang isang batang kasambahay.

"Magandang araw po. I am Atty. Montecillo,  kaibigan ako ni Attorney Bustamante. Pwede ko bang makausap ang mga magulang niya?" Tanong niya rito.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now