2-II

13.5K 394 7
                                    

II

“What the fuck?!” Just like what Leighton usually sees in Facebook memes, what has been seen cannot be unseen.

Mga ilang minuto rin siyang nakatunganga sa harap ng kanyang Celestron. Will he continue scoping?

Ang nakita lang naman niyang nasa katapat ng unit niya sa kabilang tower ay walang iba kundi si Kay Singh! Leighton can identify him clearly and his Celestron is accurate enough. Abot pa nga ng aperture ng telescope niya ang rings ng Jupiter according to Meir.

Leighton crossed his arms. Pinaglalaruan ba siya ng tadhana? Hindi pa ba nakakainis na nakikita niya sa university si Kay Singh at ngayon naman ay kasama pa ang lalakeng iyon sa scoping area niya?! Worse, magkatapat pa talaga sila ng unit!

Mayamaya ay dumapo ang isang kamay ni Leighton sa telescope. Bakit nga pala siya nagpapaapekto sa isang insignificant na tao? Bakit maaapektuhan nu’n ang kanyang paboritong past time?

Muling nag-scope si Leighton. Hindi pa rin ibinababa ni Kay ang mga kurtina at mukhang wala itong balak na gawin iyon kahit pa naglalakihan ang mga bintana ng unit nitong kita ultimo ang mga paa nito. Marahil ay iniisip ng Kay na iyon na wala namang makakakita dito since nasa mataas na floor naman ang unit nito. But he’s definitely mistaken.

Eversince Leighton discovered he liked scoping and no one ever caught him doing so, he thought he can be God-like. Wala siyang pakialam sa mga pangyayari. Ang ginagawa lang niya ang hayaang maging natural ang mundo at obserbahan ito.

On his account of scoping, he did caught few pickpocket guys but never tried to call the nearest police post. Mayroon na rin siyang nasaksihang mga patayan sa lansangan ngunit wala siyang pinagsabihan kung saang mga eskinita naglulusot ang perpetrators. Marami siyang alam sa siyudad na hindi alam ng karamihan. He saw things some might think no one saw.

Napansin ni Leighton na tumayo si Kay mula sa pagkakahiga sa kama, wari bang nakikiramdam na ito. Humanga si Leighton sa instinct ng binata pero kahit siguro ano’ng gawin ni Kay ay hindi siya nito mahuhuli, not unless mag-scope rin ito gamit ang high-powered telescope na kagaya ng kanya.

Still, Kay didn’t draw the curtains.

Leighton carried on scoping. If there’s one thing he’ll admit, iyon ay nagustuhan niya ang interior sa unit ni Kay Singh. Hindi iyon gaya ng kanya na bawat kuwarto ay may pader. Kay’s unit has plain and bare four walls. Leighton thought he can breathe if his unit was like Kay’s.

Mayamaya ay tumayo si Kay at may hinatak na puting garment. Tumayo ang binata sa isang bahagi ng silid at nagsimulang maghubad.

Nanigas sa kinatatayuan si Leighton. He obviously doesn’t know what to do. Hindi niya in-e-expect na balak ni Kay Singh na magshower.

“The hell?” It’s a late realization for Leighton na ang banyo pala ng unit ni Kay Singh ay walang concrete na pader kundi glass divider lamang. Talagang makikita pati kaluluwa ng kung sinumang maliligo doon!

Leighton can feel himself flushed. Ito ang unang beses na nahiya siya sa ginagawa niya. Ano’ng klase ng gagong walanghiya si Kay Singh para magkaroon ng apog na maligo sa ganoong banyo?! That sick dick made him feel he’s a scoping pervert.

Ilalayo na sana niya ang mata sa eyepiece ngunit may nakita siyang kakaiba sa balat ni Kay Singh. May mga kung ano’ng maiitim na pasa yata iyon. Nang tumalikod ang binata ay puno naman iyon ng pilat na hindi na gaanong matukoy ni Leighton kung galing saan.

Bago pa niya maisipang i-adjust ang magnification, tumunog ang alarm ng cellphone niya. Lumayo na siya sa Celestron.

Leighton strictly follows his schedule. The alarm tells him he’s had enough scoping already. Diretso siyang naupo sa kanyang study table at ikinalat ang lahat ng mga dapat niyang pag-aralan. Medyo distracted siya sa umpisa at malakas ang urge na sumilip ulit ng telescope pero naabsorb rin siya sa pag-aaral. Another distraction came when his door buzzed. Dumating na ang order niyang pizza.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon