30-I

3.9K 124 11
                                    

I

Naalimpungatan si Leighton pasado alas otso na ng gabi. He was lying on his bed, his shirt is half open, so as his pants. He tried to change his clothes earlier but he seemed to have no motivation.

Tinatamad niyang inabot ang kanyang cell phone na nasa gilid niya. Wala pa rin siyang natatanggap na tawag o text mula kay Kay... Bakit ba naiisip na naman niya ang lalakeng walang pakialam sa kanya?

Out of frustrations, binato ni Leighton ang kanyang cell phone at humampas iyon sa pader. Sinikap niyang tumayo. Bakit nga rin ba siya bumalik pa dito?

He’ll pack his things now. Uuwi na siya sa mga magulang niya.

Saglit na nahagip ng paningin ni Leighton ang bukas niyang balcony. Hindi sinara o nakalimutang isara ni Kay ang glass sliding door kanina.

He carefully walked in. Kinapa niya ang switch at binuksan ang ilaw sa may balcony. He was instantly amazed at how the light illuminated the roses. It gave them faint sparkles.

Leighton looked closer at one of the pots. The soil seemed dried. Mukhang hindi diniligan ni Kay ang mga iyon bago sila umalis.

Inabot ni Leighton ang sprinkler. Marami-rami pa iyong laman dahil mabigat pa. He took careful steps closer to the pots, in mind that he’s on a balcony of the twenty-seventh floor.

Limitado ang galaw niya habang dinidiligan ang mga paso. Hangga’t maaari ay hindi siya lumilingon. Nang nasa ikatlong paso na siya, hindi sinasadyang matabig niya ang paso. He saved it from falling down but his abrupt movement caused him to panic. When he stepped back, his ankle touched the balustrade. He instantly ducked down.

Binitawan na niya ang sprinkler. Hindi niya kayang magtagal sa balcony. Bahala nang mamatay ang mga tinanim na rosas ni Kay.

Tumayo na rin si Leighton nang sa tingin niya ay kaya na niya. He was facing on the left so when he got up, he saw his neighbor’s balcony. The lights are on and someone’s there.

Kanina pa ba siya nito pinagmamasdan?

Nakasimangot niyang tinitigan ang kanyang kapitbahay. Nakauwi na pala ito at ni hindi man lang siya nito pinuntahan. How nice to see him just relaxing on the balcony instead of reaching out to him.

Lumabas na si Leighton ng Balcony at pabalibag na isinara ang sliding door. Naupo siya sa isang tabi. ‘Di katagalan ay narinig niya ang buzzer ng pinto.

Sinadya niyang pinalitan ang password ng pinto niya dahil ayaw niyang puntahan siya ni Kay. Hindi siya makikinig sa sorry nito at lalong hindi siya magpapauto kapag sinabi nitong babawi sa ginawang pang-iiwan sa kanya.

But, fuck everything, he got up and before he even realized it, he was already standing on his doorway. Sumilip siya sa peeping hole.

Nakita niyang nakatungo si Kay habang ang kamay ay nasa buzzer.

“I won’t open the door even if you beg, bastard,” ani Leighton sa sarili habang pinagmamasdan si Kay na nasa labas.

Nagulat siya nang biglang tumalikod si Kay.

What? Is he going to give up that easy?

Paalis na nga talaga si Kay. Binuksan ni Leighton ang pinto at hinila ito papasok ng kanyang unit bago pa tuluyang makalayo.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon