37-III

2.9K 98 7
                                    

III


Leighton checked the time on his watch. Kung alam lang niya na hindi papasok ang kanilang professor sa pang-umagang subject, sana ay hindi na siya pumasok nang maaga at tinulungan na lang niyang mag-empake si Kay.


Lumabas siya ng kanyang room. Nakasalubong niya si Meir na nasa corridor at malamang ay papunta sa classroom niya.


"Eight, where are you going?" Tanong kaagad ni Meir paglapit nito sa kanya.


"May sasabihin ka ba sa akin?"


Tumango naman si Meir.


Leighton patted his friend's arm. "Hintayin mo ako, babalik ako. May tatawagan lang ako."


Maraming estudyante sa corridor at kagaya ng mga kaklase niya ay napakainingay kaya tumungo siya ng hagdan para bumaba at humanap ng mas tahimik na floor. I-d-in-ial niya ang number ni Kay habang pababa siya ng hagdan. Malamang ay nasa airport na iyon, kung gumising man si Kay sa tamang oras.


Nasa pang-apat na baitang na si Leighton pababa nang maulinigan niyang mayroong kung sino ang paakyat. Nakilala niya kaagad iyon, ang mayabang na si Dennis nang saglit na huminto dahil nakilala rin siya nito.


Baka kung ano pa ang isipin nito kung aakyat pa siya pabalik kaya ipinagpatuloy na lamang niya ang pagbaba ng hagdan habang ang pinsan ni Meir ay itinuloy ang pag-akyat.


"Hello?" Sinagot ni Kay ang tawag niya. At the exact moment, nilagpasan na siya ni Dennis.


"Hello—"


Because it's his weaker leg's turn to step down, he instantly loses balance after he felt a sudden pressure from behind.


Bumagsak ang cell phone niya sa bottom landing at kasunod siya...


Nainip si Meir at nagsimula na siyang mailang sa paghihintay sa tapat ng classroom ni Leighton kaya nagpasya siyang sundan na lang ito. Naalala niyang patungo si Leighton sa may hagdan.


Sa kamalasan, nakasalubong niya ang pinsan niya na mukhang nagmamadali. Nasanggi siya nito ngunit hindi pa nakuntento, itinulak pa siya.


"Ano ba?!" Meir shouted but his good for nothing cousin is already out of his sight. Hinayaan na lamang niya at ipinagpatuloy ang paghahanap kay Eight.


Bago pa siya makarating sa hagdanan ay may narinig siyang sigaw ng ilang mga babaeng schoolmate. Makapal na ang crowd pagdating niya roon. May mga lalakeng umalis para tumawag daw ng tulong kaya nagkaroon ng opportunity si Meir na makiusisa.


Someone is lying unconscious on the bottom landing. Realizing who it was, Meir fought his way through the crowd of students.


"Eight!" Halos liparin niya pababa ang hagdan. He slumped beside his friend at hahawakan sana ito pero hindi na niya itinuloy. Nanlumo siya pagkakita na may lawa ng dugo sa uluhan ni Leighton.


This can't be!


Nanginginig ang mga kamay niyang kinuha ang cellphone mula sa kanyang bulsa. Kahit pa may tumawag na ng tulong, tumawag pa rin siya sa emergency hotline ng university para sa ambulansya.


Ilang minuto pa ay may dumating nang mga mag-aasikaso kay Eight na mula sa infirmary.


"Ano'ng nangyari?"


"Nahulog siya sa hagdan," sabi ng isa sa mga babaeng nakikiusyoso.


"Hindi siya nahulog, ah?" Kontra naman ng isa pang babae. "Kanina ko pa kaya siya sinisundan ng tingin kaya nakita kong tinulak siya nu'ng lalake kanina."

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon