14-II

7.2K 227 4
                                    

II

Ano ang isasagot niya kay Leighton?

Huminga nang malalim si Kay. He liked Leighton. Wala siya ngayon sa harap nito kung wala siyang pakialam dito. Dahil rin kay Leighton kung bakit siya gumawa ng mabigat na desisyon na hindi niya kayang gawin noon.

Ngunit sa tingin niya ay hindi iyon sapat na basehan para masabing mahal na niya si Leighton. He can’t. Unfair iyon para kay Leighton.

Inalis niya ang mga braso ni Leighton na nakayapos sa baywang niya ngunit mas lalo lang siyang hindi pinakawalan ni Leighton. Kinailangan pa niyang magsabi na uupo lang siya para bitawan siya nito.

Kay sat beside Leighton, pensive. He admitted he had a fair share of faults why Leighton was pushed to the brink of realization and confession.

Kahit pa sabihing may pagka-childish si Leighton, seryoso naman ito sa mga bagay na napagpasyahan nitong gawin. Iyon ang isa sa mga ikinakatakot ni Kay.

Kay needs to appease his guilt first before he could tell Leighton what he really feels.

“Come, I’ll walk you home,” yaya niya kay Leighton ngunit hindi naman iyon gumalaw mula sa pagkakaupo.

Nakatungo si Leighton ngunit mahahalata ang pamumula ng mukha nito. Bahagyang gumaan ang bigat sa dibdib ni Kay. Palagi siyang na-a-amuse ni Leighton sa mga unusual expressions nito.

Ginagap ni Kay ang basang kamay ni Leighton. He filled the gap on Leighton's fingers with his'.

Gulat na napatingin sa kanya si Leighton ngunit ngumiti lang siya at pagkatapos ay hinila niya ito patayo. "Wala namang may pakialam," bulong ni Kay kay Leighton kung nag-aalala ito na may makakita sa kanilang naglalakad nang magkahawak ang mga kamay. Wala namang tao sa paligid nila dahil umuulan at mas abala ang mga tao na maghanap ng masisilungan.

Humigpit ang pagkakahawak ni Leighton sa kamay niya habang naglalakad sila. He liked Leighton's height. Mas bata kaysa sa kanya si Leighton nang ilang taon pero mas matangkad ito sa kanya. Kahit pa tumungo ito, makikita pa rin niya ang mukha nito.

"Alam mo ba, palagi akong nananaginip dati. I was in the beach and I was walking in the sands. Masaya daw ako at hawak-hawak ko ang kamay ng kung sino. Palaging malabo ang mukha ng taong kasama ko. Because of that, I regarded that dream as a nightmare.  Naisip ko na baka iyon ang kamatayan ko. Baka sinusundo ako ni Kamatayan at malulunod ako o ano. I rarely go to the beach eversince."

"Let's go to the beach someday..." suhestiyon ni Kay.

Leighton scowled at him. "Nakikinig ka ba sa kuwento ko?"

"Marami ang nagsasabi na kabaligtaran ng panaginip ang nangyayari sa totoong buhay. Don't you want to know the opposite of that dream?"

"Okay.. I guess I'm curious..." Marahang tumango si Leighton bago siya nagfocus nang tingin sa kanilang nilalakaran.

Pinagmasdan ni Kay si Leighton? Mananatili siya sa tabi nito hanggang sa dumating ang panahon na humulas na ang nararamdamang infatuation ni Leighton sa kanya. Sooner or later, mauuntog din si Leighton. He'll prefer to date a girl... and that lucky girl will be the one standing beside Leighton, walking with him while holding his hand.

Will she look at Leighton in the same way he's doing now?

"Kay... iyong kamay ko," untag sa kanya ni Leighton. Masyado na palang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito. Kailangan na niyang bumitaw dahil patawid na sila at marami nang tao sa lalakaran nila.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon