38-I

3.2K 101 0
                                    

I


The weather is fine today.


Nagliwanag sa kuwarto nang hawiin ni Kay ang kurtina. He missed his flight and re-booked for tomorrow evening. Nauna na sa kanya sina Cosette at nangako siya na susunod kaagad.


Bumalik siya ng Duchess' tower para maghintay. Matatapos ang klase ni Leighton mamaya pang hapon at hindi naman siya puwedeng pumasok sa loob ng university.


Lumabas siya ng balcony habang nakadikit sa tainga niya ang kanyang cell phone. Out of reach pa rin ang number ni Leighton na kanina pa niya sinusubukang contact-in.


Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman. Dapat ba siyang mag-alala? O nananadya lang si Leighton?


Kapareho ba niya ng nararamdaman si Leighton kapag hindi niya sinasagot ang mga tawag nito o kaya ay pinapatayan niya ng phone?


He's getting paranoid. Perhaps a little distraction could help him relax.


Lumabas siya ng kanyang unit at lumipat naman sa kabila. He entered Leighton's room. Tumayo siya sa tapat ng Celestron at sumilip doon. Ini-adjust niya ang magnification.


Pansamantala siyang nalibang sa pag-oobserba ng mga taong dumadaan sa mga sidewalk at sa mga tumatawid ng pedestrian lane. Pagkatapos nu'n...


Kahit ayaw niya, nagpadala siya ng SMS kay Morris para itanong kung may numero ito ng kahit na sino sa mga kaklase ni Leighton.


He immediately received a call.


"Ang akala ko nasa eroplano ka na?" Bungad ni Morris sa kanya. "And you're stalking Leighton now, really?"


Kay sighed heavily. "Hindi ba obvious na hindi ako natuloy? Hindi ko ma-contact si Eight. Can you give me what I need or what?"


"Wait a sec," Morris placed him on-hold. Nang balikan siya ni Morris, iba na ang tono nito. "Alam ko na kung bakit hindi mo ma-contact si Eight. Nasira raw ang cell phone niya."


"Okay," Kay answered. "I see he dropped it."


Nang muling magsalita si Morris, may idinikta na itong pangalan ng isang malapit na ospital. "... I'll send you a message if you need directions on how to get there. Nandoon ang parents ni Leighton. You know tita's number, right?"


Matagal bago nakasagot si Kay. "W-Will he be alright?" Garalgal niyang tanong sa kausap sa kabilang linya.


"That... I don't know. But I believe he can make it. He woke up from a coma once, you know."


Tinapos na niya ang tawag at lumabas ng unit ni Leighton. Hindi na siya nag-abalang kunin pa ang susi ng kanyang kotse sa loob ng unit niya. Paglabas niya ng tower ay sumakay siya ng taxi at sinabi sa driver kung saan siya pupunta. He's in a hurry but everything around him seemed to be in a slow pacing.


When at last they reached the hospital, Kay's feeling numb inside as he entered the lobby. Isa sa mga pinakaayaw niyang lugar na puntahan ay ang ospital pero hindi niya maiiwasan.


He can't remember anything good whenever he's on a hospital. And he's seen the worst years ago when the doctors declared his parents were both dead on arrival.


Yes... It's always about loneliness, death, and being alone.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon