12-I

7.4K 231 4
                                    

I

Pagkatapos magbihis ni Leighton ng uniporme, s-in-et up niya ang focus ng kanyang Celestron. He saw Kay on the other tower. Nakasuot na rin ito ng uniporme pero hindi pa nakabutones ang pang-itaas nito. Nakatagilid na nakasandal si Kay sa salamin ng balcony nito at mukhang lumilipad ang isip.

Maaga pa naman pero kung hindi pa rin kikilos si Kay, posibleng mahuli ito sa klase. Iyon ang dahilan ni Leighton sa sarili kung bakit siya umalis nang maaga sa kanyang unit, tinawid na naman ang kinatatakutan niyang sky garden, at tumayo sa tapat ng unit ni Kay.

Dalawang beses niyang pinindot ang buzzer.

Nang pagbuksan siya ni Kay, ni hindi na ito nagulat sa kanya. Talagang pinagsakluban nga ito ng langit. Hinayaan lang nito na bukas ng pinto at bumalik sa pagkakasandal sa salaming bintana.

Leighton went in anyway. Ang una niyang napansin ay ang nagkalat na mga rose petals sa flooring. May nakita pa siyang ibang kulay ng petals kaya ang suspetsa niya ay may iba pang nanggaling dito. Kung bakit ba kasi hindi agad siya nag-scope?

Ang nagpasimangot sa kanya ay ‘yung nakita niyang pumpon ng mga red roses na halatang iniwan na lang sa sahig. Sigurado siyang iyon ang ibinigay niya kay Kay. Malapit sa kama ay may nakita naman siyang baduy na malaking heart na ginawa mula sa napakaraming petals. Dinaanan iyon ni Leighton para makalapit kay Kay pero sinipa niya kaya nasira ang heart-form.

“Pumasok na tayo,” utos niya kay Kay. “Bakit ka ba nagmumukmok riyan?”

Nainis lang si Leighton nang hindi sumagot si Kay. Hinaltak niya ang kamay nito. Napansin niyang napangiwi si Kay sa ginawa niya. Leighton looked down on Kay’s hand. Namamaga iyon at may nagdudugo pang sugat.

Saglit siyang napaisip pagkatapos ay inilibot pa niya ang paningin sa paligid. Tama ba ang naiisip niyang nangyari? Kay finally did it?

Naramdaman niyang binabawi ni Kay ang kamay nito kaya mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon. “Nasaan ang medicine kit mo? Mayroon ka ba nu’n?”

Walang kabuhay-buhay na itinuro ni Kay ang storage sa tabi ng glass wall ng banyo. Tumungo doon si Leighton at kinuha ang kit.

Leighton made Kay sit on the foot of the bed while he kneeled on the floor and started tending Kay’s wound. He could feel Kay’s flinches everytime he dabs the wound with cotton soaked in disinfectant.

Binabalutan na ni Leighton ng gauze ang kamao ni Kay maisipan niyang tumingala para makita ang mukha nito.

His airways suddenly constricted, seeing Kay looking pained for the first time. Mas lalong hindi siya makahinga nang makita niyang nagsimulang mag-unahan ang luha sa mga mata nito.

“Kay… w-what is it—”

“Don’t look at me… not until I said you can.” Niyakap siya ni Kay nang walang paalam. Napasubsob siya sa dibdib nito. Leighton could feel the coldness of Kay’s skin. He could also hear how fast his heart beats.

Niyakap ni Leighton nang mahigpit si Kay. Hindi iyon pakikisimpatya. Iyon ay pagkainis dahil sa kasinungalingan nito. He wanted to own this feeling of despair from Kay… It’s heartbreaking and it fucking hurts. It’s priceless.

 And Leighton promised, magiging kanya na ito pagkatapos ng araw na ito.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon