8-III

8.9K 287 21
                                    

III

“Eight!” Out of astonishment, naisigaw ni Kay ang pangalan ni Leighton. Hindi niya intensyon na tawagin ito. It would be awkward because Yael is accompanying him; but he did it.

Nagkatinginan sila ni Leighton ngunit mabilis lang iyon. He thought he saw Leighton teary eyed or maybe not. Maybe he’s just imagining things. Ang sigurado lang siya ay kakaibang ekspresyon sa mukha nito. There is pain.

“Hindi ba iyon ‘yung ka-block mo kamo na sumugod kahapon sa unit natin?” Tanong kay Kay ni Yael. “Nakatira ba siya somewhere na malapit dito?”

“I don’t know. Baka dahil dito mas maraming dumaraang taxi kaya dito siya sumasakay,” pagsisinungaling ni Kay.

“Bakit mo siya tinawag?” Kunot-noong follow-up na tanong ni Yael. “It would be awkward kung lumapit siya sa atin.”

Kay crossed his arms. “Why awkward?”

“Dahil…” ngumiti nang nakakaloko si Yael. Bigla niyang ginagap ang isang kamay ni Kay. He fitted his fingers on the gap of Kay’s “—Hindi ko ito magagawa kapag nandiyan siya.”

“God, Uncle!” Kay gasp, looking scandalized. Agad rin niyang binawi ang kamay.

“’Oy, stop calling me Uncle! Ano ba ang masama sa paghawak ko sa kamay mo? Ngayon ka pa nagreklamo!”

Kay casted him with a look of disbelief. “Are you stupid?!”

Yael ignored the question. Hinigit niya ang braso ni Kay. “Wow! Ang aga-aga, ang taas ng blood pressure mo. Huwag ka na lang kaya pumasok? Let’s go back to our unit. Palalamigin ko ang ulo mo.”

Imbes na sundin siya ni Kay, itinulak siya nito hanggang sa makabitaw siya. “Our unit? Go buy another place. I don’t want us to live together!”

Hindi na nagawa pang magsalita ni Yael dahil binirahan na siya ng layas ni Kay. Sumakay kaagad ito sa nakahimpil na taxi.

While inside the taxi cab, Kay tried to calm down. Hindi pa siya nainis nang ganoon kay Yael. Usually lahat ng gusto nito ay pinagbibigyan niya lang. Naguguluhan na talaga siya.

Naabutan niya ang kanilang Prof. na naglalakad sa corridor kaya sumabay na siya rito. Pumasok siya ng silid nang hindi niya sinusubukang ngumiti gaya ng palagi niyang ginagawa. He even tried his best not to cast any glance at Leighton.

Leighton seemed out of his usual self. Narinig ni Kay na tinananong ito ng kanilang Prof. kung bakit wala itong ipapasang homework na hindi pa nangyayari. Nakaramdam ng guilt si Kay. He admits he’s messing with Leighton these past few days. Mabuti na lang at pinagbigyan ito ng kanilang Prof.

Mahalaga para kay Leighton ang pag-aaral. Hindi na dapat maulit ang ganito.

After their second and last class for the day, sinundan niya si Leighton. Alam nitong nakasunod siya dahil hindi naman niya intensyong magtago. He’ll talk to him and apologize.

Nagpunta si Leighton sa library for obvious reasons— gagawin nito ang homework. Halos walang tao sa library dahil sa e-book na ang uso at karamihan sa mga college student ay hectic ang schedule.

Pumuwesto si Leighton sa single couch pero may katapat na isa pang single couch. Inilabas niya sa dalang satchel bag ang kanyang netbook at sinimulang magtype. Tahimik na naupo si Kay sa katapat niyang bakanteng couch.

Walang nagsalita sa kanila. Pinanood lang ni Kay na nagtatype si Leighton, habang si Leighton naman ay minsanang sumusulyap sa gawi niya.

Nang matapos na si Leighton, ibinigay nito sa librarian ang netbook para magpaprint. Bumalik ito pero hindi na umupo. His silent nod gesture means he wants Kay to follow him and so Kay did.

They walk past several tall bookshelves na walang gaps dahil sa puno ng mga libro. Huminto si Leighton nang nasa kalagitnaan na sila ng isang hilera ng mga lumang almanacs.

Nagulat si Kay nang kuwelyohan siya ni Leighton at isinandal sa isa sa mga shelf.  Mas lalo niyang ikinagulat nang bigla siya nitong hinalikan sa mga labi na ni sa hinagap ay hindi niya maiisip na gagawin ni Leighton.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon