38-II

3.1K 95 0
                                    

II


Tinawagan ni Meir ang mga magulang ni Leighton habang nasa ambulansya sila. Dumating ang mga ito may dalawampung minuto nang nakasalang si Leighton sa operating room.


Iyak nang iyak ang mama ni Leighton kaya naman hindi magkandaugaga sina Meir para mapatahan ang ginang.


Moments later, lumabas ang doktor na siyang in-charge sa kanilang pasyente. Una itong lumapit sa amain ni Leighton. "Kayo po ang kamag-anak ng patient?"


"Ako ang stepfather niya, Dave del Rios," anang amain ni Leighton sabay lahad ng kamay sa doktor. Saglit siyang sumulyap sa direksyon ng kanyang asawa. "Siya naman iyong mommy."


Inayos ng doktor ang suot na salamin bago nito tiningnan ang hawak na clipboard. "Ahm... Nakita ko na po ang CT scan ng patient. Wala naman pong internal bleeding. So far wala pa namang nakitang damage sa kanyang ulo bukod doon sa sugat niya sa gilid ng noo. Natamaan po ang temporal artery niya kaya naman madugo pero tinahi na po namin iyong sugat. But we will still monitor him kaya i-co-confined po natin siya dito sa hospital ng ilang araw."


Pare-pareho silang nakahinga nang maluwang. Huminto sa paghagulgol ang mama ni Leighton ngunit humihikbi pa rin.


"Ah! Isa pa nga po pala," pahabol sa kanila ng doktor. "May suot na knee brace ang patient. Mayroon ba siyang iniindang injury?"


"D-Dati po, mayroon. Noong nahulog siya balcony ng room niya... He completed his rehabilitation without any problems." Sumulyap ang ginang sa kanyang asawa. "Pero kung may nararamdaman ulit siya sa tuhod niya, bakit wala siyang sinasabi?"


"Namamaga po kasi ang tuhod ng patient, possible na may dislocation na. Ipapa-plaster muna natin at oobserbahan. Pero sa palagay ko kailangan rin iyong maoperahan."


Natutulog si Leighton nang maihatid ito sa isang private ward na kinuha ng mga magulang nito. Desidido si meir na bantayan ang kaibigan hanggang sa magising ito ngunit nagulat siya nang makitang dumating si Kay.


For a moment, nagkatinginan sila. Dati silang magkaklase pero nakakailang na nasa iisang lugar sila ngayon. Wala rin naman siyang sasabihin kay Kay. They are not classmates anymore, not even friends.


Tumayo na si Meir at nagpaalam. "Tita, tito, aalis na po muna ako. Pero tawagan niyo po ako kung walang magbabantay kay Eight. Dadalaw na lang po ulit ako bukas."


"S-Sige. Mag-ingat ka."


Bago niya tuluyang lagpasan si Kay, nakita niyang tumango ito sa kanya.


Pag-uwi niya sa bahay, naabutan niya ang mommy niya na nagdidilig ng mga orchids nito sa tapat ng gate nila. "Oh, anak, nasabi mo na kay Eight?"


Umiling si Meir. "He had an accident at the school. Baka bukas o makalawa puwede ko na siya makausap."


Nagtaka ang Mommy niya. "Aksidente? Ayos naman ba siya?"


Walang kabuhay-buhay na tumango si Meir. Papasok na siya ng bahay nang pigilan siya ng kanyang Mommy.


"Iyong pinsan mo, hinihintay ka sa sala. May usapan ba kayo ni Den?"


Nagpanting ang tainga ni Meir pagkarinig sa pangalan ng kanyang pinsan. Agad siyang pumasok sa loob. Naabutan niya iyong nakaupo sa sofa, umiinom ng juice at nanonood sa malaking LED TV.


Tumayo siya sa harap nito.


"Nandito ka na pala," tumayo rin si Dennis.


"It's you, right? Nandito ka ba para takutin ako?" Direktang akusa ni Meir dito. Hindi na nila kailangan pang i-elaborate ang nangyari kanina. He could all picture things clearly.


Dennis just smirked. Tinapik nito ang balikat niya. "So, ano'ng gagawin mo? Magsusumbong?"


Ngumiti si Meir. "Hindi. Ganito—"


For the first time, binigyan niya ng isang straight na suntok sa mukha ang pinsan niya. Dennis didn't even see it coming. Bumalandra ito sa sofa. Dahil sa ingay biglang pumasok ang Mommy ni Meir.


Pumagitan ito sa kanila nang akmang gaganti si Dennis.


"Get out of my house! Tell your parents I want to talk to them!" Meir's mom glared at his nephew.


Ibang usapan kapag nagalit ang Mommy ni Meir. Ito ang panganay at ang siyang may control sa lahat ng finance ng kanilang pamilya. Dennis immediately darted out of their house.


Kinalabit ni Meir ang ina, "Mommy, ang blood pressure mo... saka bakit mo ako kinakampihan? Ako kaya ang nauna?"


Namaywang ang Mommy niya. "Oh, I know you. Hindi ka bayolenteng tao. Pero ngayon... ginalit ka niya nang husto?"


Minasahe ni Meir ang namumulang kamao. He admits he slightly felt proud on what he did. "I guess he did."

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon