2-III

13.4K 396 12
                                    

III

Because Meir is too good that he can’t say no to a pleading female classmate who obviously liked him, Leighton sat still and waited for someone to ask him to be a partner on a certain project. Sino ba ang ayaw maging partner ang nangunguna lang naman sa class standing?

But Leighton’s classmates could have approached him enthusiastically, haven’t they known how bossy and strict he was. May effort siyang magbasa at i-check ang mga group reports kaya ipinapaulit niya sa mga nagiging groupmates niya ang mga researches ng mga ito kapag napansin niyang copy-pasted lamang ang mga iyon mula sa internet at walang sources na nakalagay.

Since even naman ang bilang nila sa kanilang block, kampante si Leighton na mayroon at mayroon siyang makakapareha. No big deal.

“Oh, bakit ba kayo nagkakagulo riyan?” Puna ng prof. nila sa umpukan ng mga babae kung saan banda nakaupo si Kay. “Mr. Singh, wala ka pa bang mapiling partner?” Luminga-linga ang prof. Nang mapansin ni Leighton na sa kanya napako ng tingin ang kanilang prof, napasimangot siya dahil any moment ay may hatid itong bad news.

“Ako na lang ang pipili ng partner ni Mr. Singh para hindi kayo nagkakagulo. How about… with Mr. Acosta?”

Tinaasan pa rin ng balahibo si Leighton pagkasambit ng prof nila sa apelido niya. Na-anticipate na nga niya na iyon ang mangyayari pero iba pa rin sa pakiramdam kung actual na.

Hindi pa naman pumapayag si Kay Singh kaya ipinakita ni Leighton na wala siyang pakialam regardless kung iyon nga ang magiging partner niya o hindi.

“S-Sige po, sir,” narinig ni Leighton na sagot mula kay Kay.

Nanlaki ang mga mata ni Leighton, eksaktong umalis ang kaklaseng babae na nagba-block sa view niya kay Kay. Napatingin sa kanya si Kay. Ngumiti ito bago tumayo at lumapit sa kanya. Leighton disliked him so why bother smiling back when he can scowl at Kay to his heart’s content?

“A-Ano ba ang itatawag ko sa iyo…” Kay mumbled, more like talking to himself. Maybe it was their first ever interaction to date since the start of the class that’s why it’s so awkward.

“Eight. Masyadong mouthful ang Leighton at masyadong pormal ang Mr. Acosta.”

“Okay, Eight. Got it. You can call me Kay for the same reason as yours,” ngumiting muli si Kay. “Puwede bang ikaw na lang ang maglead? I’ll just follow any of your instruction.”

Leighton didn’t expect Kay to be this submissive considering na halos mapantayan lang siya nito sa scores. Ayos na rin. Atleast wala silang magiging argumento, unless magrereklamo ito sa mga ipagagawa niya.

“Uhm… Kay?”

“Yes?”

“Can I get your number?”

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon