24-I

4.8K 161 5
                                    

I

Bumuntong-hininga si Kay pagkaibis niya ng kanyang sasakyan sa may parking area ng ospital. He just went here. Bakit kaya nandito si Leighton?

Ang sabi niyon sa kanya ay sa lobby ito maghihintay. Iyon lang ang assurance ni Kay na hindi napaano si Leighton. He still wondered though. Is Leighton stalking him earlier today?

Hindi iyon imposible lalo’t naalala niyang iyong binatang nag-aabang sa may elevator. Kapareho nu’n halos ang stature ni Leighton. Pero hindi naman niya nasisiguro na si Leighton nga talaga iyon kaya hindi magandang mag-insinuate.

The last thing Kay wanted is an argument with Leighton.

Nakita niya kaagad si Leighton pagtapak niya ng lobby dahil kakaunti lang ang tao. Agad niya itong nilapitan.

Tinitigan ni Kay si Leighton. Tumitig rin si Leighton sa kanya. Nag-aantay marahil ito na magtanong siya. But instead of asking, Kay sat beside him. Bahagyang nagulat si Leighton nang ihilig ni Kay ang ulo niya sa balikat nito.

“I-Is it okay with you?” Mahinang tanong ni Leighton sa kanya.

What? Is it okay to him if they were seen like this? Maybe yes; or maybe he doesn’t care anymore. He was just exercising his little control of his little brat. Gusto lang niyang maunang magtanong si Leighton.

“Ano’ng ginagawa mo dito sa hospital?” Tanong na ni Kay.

“I had a terrible fall on my Soccer class. My knee hurts.”

Bahagyang lumayo si Kay mula kay Leighton. “What?”

Leighton scowled at him. “Kakasabi ko lang. Kailangan ko pa bang ulitin ulit?”

Nakaramdam ng guilt si Kay sa puntong hindi na niya maitanong kay Leighton kung ano ang nararamdaman nito. Sana pala ay hindi niya pinatay ang cell phone niya. Sana ay ipinagpabukas na lang niya ang appointment niya sa kanyang doktor. Sana rin ay sinundo na niya si Leighton.

“Umuwi na tayo,” yakag ni Leighton kay Kay na sinabayan nito ng pagtayo.

“Pero—“

Leighton sighed. “Hindi naman ako nagkaroon ng fracture o ano. I just need to use a knee brace for a month or so.” Hinila niya patayo si Kay pagkasabi niya nu’n.

Something isn’t right. Malakas ang pakiramdam ni Kay na may catch ang pagiging kalmado ni Leighton. Imposibleng hindi ito galit sa hindi niya pagpansin dito kanina. Ngunit nakarating na sila sa pinag-parking-an niya ng kanyang Vios ay hindi pa rin siya nito sinisigawan. Malumanay pa nga ang pagkakasabi nito ng, “Drive safely.”

Iikot na sana si Leighton patungo ng front passenger’s seat nang hawakan niya ang laylayan ng suot nito para pigilan itong lumayo.

Kay couldn’t take anymore mysteries. Hindi na yata siya sanay na hindi siya inaaway ni Leighton. “Aren’t you mad at me?” Pabulong niyang tanong kay Leighton.

“Ah?” He finally saw Leighton’s smirk. Kay already knew he turned on a switch. Pumihit paharap sa kanya si Leighton kaya napaatras siya at napasandig ang kanyang likuran sa pinto ng kotse.

Isinandal naman ni Leighton ang kamay sa salamin ng kotse, “Ayoko nang magalit sa iyo.”

“Bakit?” Kay held Leighton’s gaze, still waiting for Leighton’s outburst. After a while, parang gusto na niyang manlumo dahil hindi nangyayari ang inaasahan niya.

 

“—Para hindi ka na lumayo sa akin,” sagot niLeighton.

Kay knew it. Nakaisip na naman si Leighton ng ibang paraan para palalain siya.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon