35-III

3K 93 2
                                    

III


Sa sariling silid tumuloy si Leighton nang umalis siya ng library. Pinakialaman na naman ng kanyang mama ang kuwarto niya. There were minions everywhere.


Ngunit hindi gaya ng dati na kaagad niyang aawayin ang mama niya, pinabayaan na lamang niya. He sat on the carpet as he leaned on the bedside.


Nakaidlip siya at naalimpungatan nang mag-ring ang cell phone niya. Of course he knew it's not Kay but he was still disappointed.


Ang mama niya ang tumatawag. Sinagot niya iyon. "Bakit?"


"Nasaan ka, baby?" His mom sounded lively.


"Nasa kuwarto ko."


"Nagpaalam na sa akin si Kay-Kay. Mag-i-stay ka raw dito? Pupuntahan kita riyan. Mag-dinner na tay—"


"Ayoko. Hindi ako nagugutom," mabilis na sagot ni Leighton na sinabayan niya ng end call.


Tumayo si Leighton at ibinulsa ang cell phone. Staying here tonight might not be a good idea. Kukulitin na naman siya ng kanyang mama at wala siya sa mood.


Binuksan niya ang pinto sumilip sa kaliwa at kanan. Simula na naman ng pakikipagtaguan niya sa Mama niya.


Tahimik siyang lumapit sa elevator. Pinindot niya ang down pero hindi naman siya naghintay. Tinungo niya ang hagdanan at umakyat sa upper floor. May nakasalubong siyang kasambahay sa top landing na pababa. "Kapag naitanong sa iyo ni Mama kung nasaan ako, sabihin mo nasa roof deck ako."


"P-Pero, ser, hindi ba takot kayo sa—" Natigilan ang kasambahay sa sinasabi nito nang makita ang nakakatakot niyang tingin. "S-Sige po, s-sasabihin ko."


He crossed the corridor and went downstairs on the fire exit. He could feel some pressure on his knees but he just endured. Wala siyang nakasalubong na tao sa lobby pagbaba niya liban sa guard na binati siya pagkalabas niya ng revolving door.


"Aalis kayo, sir? Ingat po kayo."


Tumango lang siya at nagtuloy-tuloy sa gate. Nagulat siya dahil nasa labas ang mama niya at parang hinahantay pa siya na lumapit dito.


"You're going after all, baby. I knew it," anito nang nakangiti.


Leighton grimaced. His efforts back at their house are futile after all.


His mother pats his shoulder. "You should get a driving license soon. Hindi palaging safe ang mag-taxi. Kumain ka pag-uwi mo, okay? Magtext ka kapag nakauwi ka na. Take care."


Papasok na ng gate ang Mama niya nang pigilan niya ito. He tugged at her sleeve. "Ma, thank you."


Kaagad siyang tumalikod. Hindi na niya gustong makita ang magiging reaction ng mama niya. Maybe she will smile while teary-eyed.


Masyadong mabigat ang daloy ng traffic pero hindi niya iyon ikinainis. The delay is just fine. The truth is he's finding some excuse not to go home at the tower. But he can't.


He's upset and disappointed because of Kay. Pero si Kay lang ang alam niyang makakapagpawala ng sama ng pakiramdam niya. And he'll keep coming back to him.


Once at the tower and he reached their floor, sa harap ng unit ni Kay siya tumayo. He can't open the door with the passcode because it was locked from the inside.


Pinindot niya ang buzzer.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon