1-III

15.8K 446 0
                                    

III

At eighteen, Leighton is already living solo. Nagulat noon ang kanyang ina nang isang araw ay magdesisyon siyang umalis ng kanilang bahay.

Bago pumasok sa loob ng sariling unit si Leighton, may nakita siyang basket ng mga imported na bulaklak sa gilid at may nakaipit na card. Binuhat niya iyon at isinama sa pagpasok. Inilapag niya iyon sa gitna ng coffee table niya. Sinusuyo siya ng mama niya na bumalik na sa kanila kaya kung anu-ano ang ipinapadala nito sa kanya.

Inabot niya ang cordless phone at um-order ng pizza. Habang naghihintay, pumasok muna siya ng silid at lumapit sa balcony.

Mayroong acrophobia si Leighton kaya hindi siya nagpupunta ng balcony. Pero gusto niya ang sightseeing sa mga skyscrapers at ang magandang lugar para gawin iyon ay sa matataas na lugar din. Mayroon siyang Celestron na originally ay binili niya dahil gusto niyang magpaka-astronomer noon but since he discovered his impatience with the stars, ginagamit niya na lamang iyon merely for scoping anything in the city that peaks his interest.

Bahagyang hinawi ni Leighton ang kurtina sa kanyang bintana. Napansin niya ang bukas na ilaw sa katapat niyang unit doon sa kabilang tower. Matagal na iyong bakante at nito lang nakaraan ay nakita niyang nirerenovate.

"So, may nakatira na pala ngayon doon... Interesting," he murmured to himself as he adjusted his telescope's magnification.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon