18-I

6K 182 6
                                    

I

Months later…

“Hey, go out and let’s have lunch together at your favorite resto. Wait for me there.”

Ibinaba na ni Leighton ang kanyang cellphone at hindi na naghintay pa kung o-oo ang kausap niya sa kabilang linya o hindi. It doesn’t really matter to him. He’ll still go on that restaurant and he’ll wait there.

“Eight, here…” Lumapit sa kanya ang isa niyang kaklaseng babae nang nakangiti at iniabot nito sa kanya ang laboratory manual niya.

He plainly smiled as he reached for it. Nag-thank you ang kaklase niya bago ito lumayo at sumaling muli sa kumpulan sa harapan. Mayroon nang nakatapos kumopya ng mga sagot niya sa homework kaya naman may hiya ang mga ito na isauli na ang manual niya.

He lets them copy his homework if they can’t really work it out. Wala na siyang pakialam kung may effort siya at wala ang iba as long as gusto niya ang atmosphere ng kinabibilangang klase. Iniisip niya na mga manok ang mga ito na pinapatuka niya sa kanyang palad. He could gain something from them later on.

It was indeed a good choice he moved to another university this sem. Hindi man iyon kasing popular ng dati niyang University, atleast hindi siya kabilang sa block ng mga nakakairitang tao. He became an irregular student but it was a perfect excuse for him not to hang out with his classmates for too long.

He was an achiever-type student as always, but he chose to skive off on his next afternoon subject since he’s allowed four absences. Tiwala naman siyang may kaklaseng mag-u-update sa kanya kung ano ang nangyari sa klase.

Leighton checked the time on his wristwatch while waiting for a cab. Mag-iisang oras ang lumipas nang tumawag siya at nagyaya ng lunch. Hindi niya alam kung sino ang mauuna sa kanilang magtungo ng restaurant. Ni hindi nagbigay ng confirmation ang kausap niya. No return calls. No texts.

“So like him…” he muttered to himself. Pinipigilan niya ang sarili na tumawag ulit. He doesn’t want to look so persistent. He wants him to be the one who’s eager. Pero gusto niyang pagsisihan na hindi niya hinintay na magsalita ito kanina. Baka iniisip na naman nito na nag-iisip bata na naman siya.

Nainip siya sa paghihintay ng taxi kaya pumasok sa isip niya na baka dapat ay magkaroon na siya ng sariling kotse. He won’t ask his mom to bribe him with such so maybe he’ll do some office part time job for Morris.

Sa wakas ay may dumaan ding taxi at nakarating din siya sa kanyang pupuntahan after twenty minutes. Walang masyadong tao sa loob ng restaurant at madaling tingnan kung sinu-sino lang ang mga customer. Nakita kaagad ni Leighton si Kay na nasa gusto nitong spot sa far end. Nakangiti ito ngunit hindi iyon para kay Leighton since hindi pa siya nito narerecognize. May kasama itong babae sa table na siguradong isang kolehiyala dahil nakauniporme ng isang university.

Nakasimangot na lumapit si Leighton sa gawi nina Kay.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon